DALAWANG mapalad na mananaya ang nakadale ng jackpot prize ng Mega Lotto 6/45 na binola noong Lunes.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), tinamaan ng dalawa ang winning combination 29-07-09-20-03-26 na may premyong ₱70,879,526.
Isang taga-Bulalo St., Cabanatuan, Nueva Ecija at isang bumili sa lotto outlet sa Blumentritt St., Sta. Cruz, Manila ang mga nagwagi, na maghahati sa premyo.
Aabot naman sa 125 players ang nanalo ng ₱32,000, nasa 4,383 ang makakatanggap ng ₱1,000, habang 51,875 mananaya naman ang wagi ng ₱30.
Samantala, wala namang nakadale sa raffle draw ng Grand Lotto 6/55 na may jackpot prize na ₱82,609,283.80.
Related Posts:
Bagong skating park sa Munti
Kaunaunahang ‘Gender Bond’ sinuportahan ng ADB
Dry run ng toll collection interoperability, sinimulan na
₱100 dagdag sa daily minimum wage – Jinggoy
Child Rights Network nagbabala laban sa vapedemic
US$3.5-B Kita mula sa bamboo industry – Villar
35 Kandidato sa BSKE elections sinampahan ng disqualification
Dahil ‘bago ang script na ito,’ kasuhan nyo ako—VP Sara
About Author
Show
comments