33.4 C
Manila
Thursday, November 7, 2024

40 kabahayan nasunog sa Taytay, 7 patay

MAHIGIT sa 40 kabahayan ang tinupok ng apoy na tumagal ng halos 2 oras at umabot sa ikatlong alarma, Linggo ng gabi sa Taytay, Rizal.

Pito katao ang kumpirmadong nasawi sa nasabing sunog na kinabibilangan ng isang 2-taong gulang na babae at isang 12-taong gulang na batang lalaki.

Ayon kay Fire Inspector Gary Raymond Cantillon, hepe ng Taytay Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-9:30 ng gabi sa Rosario St., Sitio Bato-Bato, Brgy. San Juan sa bayan ng Taytay.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, papalo sa mahigit ₱2.5 milyon ang pinsala sa mga bahay at ari-arian ng di-kukulangin sa 60 pamilyang nasunugan na ideneklarang fire out dakong 11:00 ng gabi.

BASAHIN  Insidente ng sunog sa bansa, tumaas ng 20.7%

Kabilang din sa naging biktima ay isang 60-taong gulang na hindi na nakatakas katulad din ng anim na iba pa na ayon pa sa inisyal na imbestigasyon, ang sunog ay sanhi ng alinman sa faulty wiring o nag-overheat na electric fan.

Iniulat din ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), na umabot sa 150 pamilya ang naapektuhan at pansamantalang nanunuluyan sa San Juan Gym ng naturang bayan.

Idinagdag pa ng BFP na wala na di-umanong matatakbuhan ang mga biktima dahil nasa looban pa ang mga ito at mabilis na kumalat ang apoy lalo pa’t gawa sa light materials ang mga kabahayan.

BASAHIN  Bawas-pensyon ng MUP, dapat sa mga bago lang – Jinggoy

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA