33.4 C
Manila
Thursday, January 23, 2025

McDo ibinida ang 17,000 bagong mga empleyado noong 2022

IBINIDA ng McDonald’s Philippines na noong nakaraang taon ng 2022, ang kumpanya ay nakapag-hire ng karagdagang bagong mga empleyado, kasama na ang mga working students at iba pa anuman ang kanilang lahi, relihiyon, o kasarian.

Sa kasalukuyan, mayroon nang halos 60,000 empleyado sa 700 stores sa buong Pilipinas, kung saan 47,000 sa mga ito ay nasa Luzon, 6,000 sa Visayas at nasa 5,000 naman sa Mindanao.

Kilala ang McDonald’s Philippines na isa sa mga pinakamalaking employer sa bansa na naniniwalang ang bawat isa ay may oportunidad na lumago at maging matagumpay.

Ang McDo ay ang kauna-unahang quick-service restaurant (QSR) sa bansa na may direct hiring policy na nagpangyaring ang lahat ng kanilang crew members ay maging regular na empleyado.

Sa kabila ng naranasang pandemya noong nakaraang taon, sinabi ng pamunuan na maituturing pa rin na isang tagumpay ang nangyari dahil sa kanilang pagsisikap na pagbutihin pa ang kanilang ginawang pagsisilbi sa mga kustomer.

BASAHIN  Libreng wifi sa Mcdo Resto

“Ang ipinakitang strong performance ng McDonald’s Philippines noong 2022 ay hindi naging posible kung hindi dahil sa tiwala at patuloy na suporta ng aming mga customer sa buong bansa. Tinututukan namin kung paano pa namin pagbubutihin pa ang aming ginagawa upang maibigay sa aming mga kustomer ang feel-good experience sa aming mga stores,” ang pahayag ni Kenneth Yang, President at CEO ng McDonald’s Philippines.

Dahil sa de-kalidad ng pagkaing inihahain at naglalaan ng oportunidad sa kanilang mga empleyado, isang halimbawa ang McDonald kung paano maging una sa lahat ng bagay dahil sa kanilang world-class commitment.

“Ang mga pinagsisilbihan naming kustomer, mga manggagawa sa aming mga restoran at komunidad na aming tinutulungan ang aming naging inspirasyon at nag-udyok sa amin na pagbutihin pa ang aming ginagawa,” dagdag pa ng presidente.

BASAHIN  H.B. 8320: Contractors, architects, engineers, atbp., kakasuhan sasubstandard na trabaho

“Habang patuloy pa ang pakikibaka ng maraming mga Filipino upang maka-rekober sa pandameya, gusto namin na ang aming mga stores ay magsisilbing isang lugar ng feel-good moments. Nais naming maging isang kumpanya na mapagkakatiwalaan ngayon at sa hinaharap,” pagtatapos ni Yang.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA