33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Lungsod ng Marikina nakatanggap ng 2 bagong modern fire trucks mula sa DILG-BFP

NAKATANGGAP ng dalawang modern pumper fire trucks and lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Marikina mula sa Department of the Interior and Local Government-Bureau of Fire Protection (DILG-BFP) nitong Lunes, Pebrero 20, 2023 upang mas mapalakas pa ang pwersa sa pag-apula ng sunog sa lungsod.

Tinaggap ni Marikina Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro and dalawang 1000-gallon-capacity na fire trucks sa naganap na turn over ceremony ng mga firefighting vehicles sa BFP National Headquarters sa Quezon City, na pinangunahan nina Interior Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., Senator Juan Edgardo “Sonny” Angara, at ni BFP Chief Director Louie Puracan.

Napahayag ng pasasalamat si Mayor Teodoro sa DILG at sa BFP para sa mga fire trucks na natanggap ng lungsod. Ayon kay Teodoro “napakahalaga ng public safety, at sa tulong ng mga bagong fire truck na ito maitataas pa natin ang kapasidad ng bawat estasyon ng bumbero sa Marikina.”

BASAHIN  Business permit renewal sa Munti, humirit na

Sinabi naman ni Superintendent Nestor Gorio na kasalukuyan ay may limang fire-fighting assets ang Marikina-BFP– three pumper fire trucks, one ladder fire truck, and once rescue fire truck.

“Dahil sa karagdagang modern pumper fire trucks na bigay ng DILG-BFP, mayroon ng seven functional fire truck ang Marikina City,” dagdag pa ni Gorio.

Pinahalagahan din ni Mayor Marcy ang importansya ng kooperasyon ng local government at national government para makapag-hatid ng serbisyo sa publiko.

“Dapat complimentary ang gawin—the national and the local. Katulad nito, nagbigay ng fire trucks ang national, ika-capacitate natin [sa local level] ‘yung ating mga BFP personnel na naka-assign from the BFP in terms of training. Tapos, ‘yung mga estasyon nila, i-improve namin—‘yung setup nila,” saad pa ng punong lungsod.

“Makikita natin na kapag nagtutulungan talaga ang national at local government, masisigurado natin ang public safety, mas mabibigay natin ang mga serbisyong kailangan ng ating mga mamamayan,” pagtatapos ni Teodoro.

BASAHIN  Magtipid tayo ng tubig, enerhiya - Marcos

Bukod sa Marikina City, nakatanggap din ng modern fire trucks ang iba’t ibang lokal na pamahalaan ng iba pang lungsod.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA