33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Disney characters, tampok sa street dance competition ng Brgy. Ugong

TATLO sa maraming Disney characters ang itinampok ng Brgy. Ugong sa ginanap na “All Out Magical” ngayong gabi sa kanilang street dance competition kaugnay pa rin sa kanilang festival celebration sa November 15 na may temang “Bayanihan Festival.’

Lubos na ikinatuwa ng mga dumalo particular na ang mga bata nang Makita nila sina Moana, Ariel at Cinderella. Ang nasabing competition ay pinangunahan ni SK chairman Kevin Andrew Faballa.

Sa panayam ng BRABO News Pasig kay SK Chairman Faballa, siani nito na muntik na di-umanong hindi matuloy dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan.

“Akala nga ng nakararami na magtu-tuloy tuloy ang malakas na buhos ng ulan, ngunit sa awa ng Diyos tumila rin naman ang ulan,’ ang pahayag ni Faballa.

Ayon pa kay Faballa, tatlong purok ang mga grupong maglalaban-laban, at ito nga ang Purok Uno, Purok Singko at Purok Kwatro. Sa kasalukuyan, Purok Unoa umano ang defending champion nila.

Mga sikat naman sa Social Media tulad ng TikTok ang judges at kabilang nga rito ang isang hurado na champion ng street dance sa Pasig noon. Ang premyong matatanggap umano sa gabing iyon na ibibigay ng Sangguniang Kabataan ay tumataginting na 15K para sa champion, 12k para sa 1st Place, at 8k naman sa 2nd place.

BASAHIN  Diskarte ng coops kung aling modern jeepneys ang bibilhin

Idinagdag pa ng SK Chairman na mahaba-haba raw ang isinaplano nilang selebrasyon dahil mahigit 2 taong naantala ang nasabing okasyon dajil sa pandemya.

Madamdamin ang idinagdag na mensahe ni Faballa sa mga taga Brgy. Ugong na mag-ingat at mag-enjoy ang mga tao dahil nagsisimula pa lamang ang programa ng SK at aniyang mahaba pa raw ito.

Sinabi pa ng SK Chairman na magkakamit ng 15K ang magwawagi, subalit puwede pa aniyang humabol ang mga intresado na makita ang performance na pinaghandaan ng bawat purok.

“Talaga namang pinaghandaan ng SK Council ang programang ito dahil magmula sa Sound System at Lighting, kakikitaan na ng kagandahan at sadyang makulay na pagdiriwang na umayon naman sa nalalapit na pasko 2,000.

BASAHIN  Teritoryo ng bansa patuloy na ipagtatanggol—Marcos

Gaya na lamang ng tinuran ng SK Chairman na tatagal ng isang buwan ang celebration upang magbigay saya sa mga residente ng Brgy. Ugong.

Sa kabilang dako, di nga maikakailang may kaugnayan ang mga tema sa Disney Characters at ang may temang Moana naman ang nagpapasiklab sa entablado ng mga oras na iyon.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA