33.4 C
Manila
Friday, November 22, 2024

Lider ng criminal group sa Marawi huli, sugatan sa isang armed encounter sa Pasig

HULI at sugatan ang lider ng Rex Fahad Criminal Group matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng Pasig Police madaling araw ng Nobyembre 2 sa harapan ng isang coffee shop sa kahabaan ng Urbano Velasco Avenue, Brgy. Pinagbuhatan.

Kinilala ang mga suspek na sina Abdulfahad Dirampa Malik, alyas Rex Fahad, 35-taong gulang, may asawa, residente ng nasabing lugar at lider umano ng nasabing criminal group, at kasamahan nitong si Nikko Reyes Mariano.

Ayon sa report ni PCapt. Ralph Santos, hepe ng Sub-station 5, dalawang pares ng mga walang helmet na kalalakihan ang nagtutulak ng kanilang mga motorsiklo sa kahina-hinalang paraan.

Si Abdulfahad Diramba Malik

Nilapitan umano ng dalawang Barangay Security Force (BSF) kasama ang isa pang pulis upang alamin ang dahilan kung bakit nila tinutulak ang dalawang motor.

Kaagad na pinaputukan ni Malik ang pulis ngunit hindi ito tinamaan. Gumanti rin ng putok ang pulis kung saan tinamaan sa likurang bahagi ng kaniyang katawan ang suspek.

BASAHIN  Briones, masaya kay VP at DepEd Sec. Duterte

Nagsitakbuhan ang tatlong kasamahan nito at isinugod ang tinamaang suspek sa Pasig City General Hospital (PCGH) na kasalukuyang isinailalim sa operasyon.

Samantalang nasa ospital, aligaga umano ang isang lalaki at balak dalawin si Malik at doon namukhaan ng pulis na isa ito sa mga kasamahan ng suspek kung kaya kaagad na inaresto ang kinilalang si Nikko Mariano.

Sa ipinatawag na press conference ni PCol. Villamor Tuliao, District Director ng Eastern Police District (EPD), sinabi nito na isa ang Rex Fahad sa dalawang criminal group na minamanmanan ng EPD na nag-o-operate sa Pasig mula Marawi City at posible din umanong source ng ipinagbabawal na droga.

Sinabi naman ng Chief of Police ng Pasig City na si Police Colonel Hendrix Mangaldan na inaalam pa nila kung carnap ang dalawang motorsiklo na ginamit ng grupo at kung may lisensya ba ang kalibre .38 baril ni Malik.

BASAHIN  Vape, nakamamatay

Inihahanda na ng mga otoridad ang mga kasong attempted murder at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013 para isampa sa Pasig City Prosecutor’s Office.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA