₱350 dagdag-sweldo, para suportahan ang Cha-Cha?

Share

DAGDAG-SWELDONG P350 kada araw, hindi lang ₱100.

Ito ang nais mangyari ng Kamara. Ito ay sa harap nang pagpasa kamakailan ng Senado sa ₱100 na dagdag-sweldo kada araw.

Ayon kay House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, “Our workers are enduring tough times, and as their representatives, it is imperative that we find substantial solutions to alleviate their financial burdens.”

Aniya pa, ang mga miyembro ng Kamara ay nagrerekomenda ng dagdag-sweldo mula sa ₱150 – ₱350 kada araw, para matugunan ang tumataas na presyo ng mga bilihin at ang pagbaba ng purchasing power ng piso.

Nitong nakaraang linggo, sinabi ni Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na possible raw ang ₱350 dagdag-sweldo kapag nabuksan na ang bansa sa mga banyagang mamumuhunan.

BASAHIN  Gastusin sa pagpapatayo ng petroleum storage facility mula sa kita ng Malampaya, OK kay Libanan

Sinabi ng isang observer na dati nang bukas ang bansa sa mga imbestor, katunayan, nakakuha si Pangulong Marcos ng mahigit sa US$14 bilyong investments sa kanyang mga byahe sa ibayong dagat.

Idinagdag pa nito na gusto lamang hikayatin ng mga kongresista ang taong bayan para pumayag sa Charter change at maaprubahan ito sa isang plebisito pagkatapos ng revision ng Konstitusyon.

Ayon sa isang netizen, wala pang anomang pag-aaral tungkol sa probability na kaya ng mga employer ang ₱350 dagdag-sweldo sa mga manggagawa, kahit na ang ₱170 na ipinapanukala ng ibang kongresista.

Sa mga lugar na walang bagong foreign investments, tiyak na mapapako lang sa mababa ang kanilang sweldo.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

513 arestado sa P16-M buy-bust Ops sa QC

Umabot  na sa 513 drug users at pusher ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) na kung saan aabot...