33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Taguig youth leaders: ‘Magbago, huwag umayon’

Hinikayat ni Sen. Alan Peter Cayetano ang 193 youth leaders ng Taguig na paghusayin
ang kanilang pamumuno, at ito’y magsisimula sa pagbabago.


Aniya, mahalaga ang purpose, environment, at transformation – o ang tinatawag na
P-E-T Project – sa kanilang buhay at gawain.


Ito ang mensahe ni Cayetano sa student leaders ng Taguig City University (TCU), Taguig City Sangguniang Kabataan (SK) Chairs, at Taguig Local Youth Development Officers na nagkaroon ng leadership seminar sa Clark, Pampanga nitong Peb. 9.


“Because God always gives us the best, we owe each other to also give our best. Pero
hindi mangyayari y’ung best kung tanggap lang nang tanggap at kung conform lang tayo nang conform. Let’s transform, not conform,” wika ng senador.

BASAHIN  Sarado na: POGO, E-games, E-Bingo sa Pasig


“Maasahan ko ba na every year nagbabago ang TCU? Maasahan ko ba na lahat ng
barangay ng Taguig by the end of next year may transformation?” tanong ni Cayetano.


Ito ay sinalubong nang malakas na positibong pagtugon at palakpakan ng 193 youth leaders.


Idiniin ng senador ang kahalagahan na malaman ng mga kabataan ang kanilang layunin
o purpose sa buhay at ang paghiling ng gabay sa Panginoon upang alamin ito.


“Kayo ang future ng Taguig,” pagtatapos ni Cayetano.

BASAHIN  SCO, Iniutos ng LTO vs. Mc driver sa pasig

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA