33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Mas mabilis na emergency response, hatid ng bagong fire sub-station sa Pasig na ikinasa ng Meralco at BFP

PINASINAYAAN ng Bureau of Fire Protection (BFP), Manila Electric Company (Meralco) kasama ang mga lokal na opisyal ng Pasig ang Meralco Rescue Fire Sub-station na matatagpuan sa loob mismo ng compound ng power distributor.

Magsisilbi itong fire emergency response center, pasilidad para sa pagsasanay ng mga bombero at rescue teams, at magiging direct line ng BFP patungo sa System Control ng Meralco upang mabilis itong i-switch-off sakaling may sunog.

Dito rin ilalagay ang Fire Brigade kasama ang mga fire trucks, water tankers, rescue tenders at rescue boats. Malaki rin ang maitutulong ng nasabing sub-station sa operasyon ng BFP-Pasig hindi lamang sa pangangailangan ng Meralco kundi pati na rin ng Pasig at Mandaluyong.

Pinasalamatan ni Congressman Roman Romulo ang Meralco at binigyang-diin na malaking bagay kapag nagtutulungan ang pamahalaan at pribadong sektor para sa serbisyo publiko.

“Ang fire station na ito kasama na rin ang mga fire trucks ay malaking tulong sa ating distrito, Nagpapasalamat tayong muli sa Meralco at umaasa na hindi sana kayo magsasawa sa pagtulong at pagsuporta sa lokal at nasyunal na pamahalaan,” ang sabi ni Romulo.

BASAHIN  Mayor Vico handa na sa ‘The Big One;’ Pasig at Cagayan Valley magtutulungan

“Malaking tulong po ito sa Lungsod ng Pasig at sa Bureau of Fire Protection at magiging katuwang na ang Meralco fire brigade team ng emergency response team ng BFP-Pasig,” susog naman ni Mayor Vico Sotto.

Ang pagtatayo ng fire sub-station ay bunga ng isinagawang Memorandum of Agreement sa pagitan ng Meralco at BFP noong nakaraang taon, kung saan magtutulungan ang mga ito sa pag-organisa, pagsasanay at kung paano isagawa ng fire brigade team ang pag-responde sa mga insidenteng magaganap sa mga komunidad sa loob lamang ng 5 o 7 minuto.

“Malaki ang pasasalamat natin sa pagtutulungan na ito at ito ay isang napakagandang halimbawa ng pribado at pampublikong partnership. Makikinabang ang lahat sa fire prevention at umaasa tayo na ang bagong fire station na ito ay malaking tulong sa ating mandato na magligtas ng buhay at ari-arian,” ang pahayag ni BFP Chief Fire Director Louie S. Puracan.
 

Para naman sa Meralco President at CEO na si Atty. Ray C. Espinosa, maliban sa pagtitiyak sa kaligtasan ng mga manggagawa, ito ay mahalang bagay rin na makatulong sa pamahalaan upang maitaguyod ang kaligtasan at ma-protektahan ang buhay at mga ari-arian.

BASAHIN  Tserman sa Muntinlupa tinodas, riding-in-tandem pinatutugis ni Nartatez

“Ito’y lumalarawan sa pangako ng Meralco na maglingkod sa ating komunidad at ang fire-substation na ito ay iniaalay namin sa mga mamamayan ng Pasig at Meralco family,” ang tinuran ni Espinosa.

Sinabi naman ni Manuel V. Pangilinan, Chairman ng Meralco, “na isang malaking pribilehiyo at karangalan na itayo ang pasilidad na ito upang magbigay ng serbisyo hindi lamang sa Meralco dito sa Ortigas Center kundi ganun din sa mga mamamayan ng Pasig at kalapit-bayan.”

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA