33.4 C
Manila
Friday, November 22, 2024

Disiplina, paggalang ng mga sundalo, dapat tularan – Robin

“SA HALIP na mabuhay sa tsismis, matuto sana ang mga pulitiko ng disiplina at
paggalang tulad ng ipinakikita ng Armed Forces of the Philippines.”


Ito ang mensahe ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa mga kapwa niya mambabatas
nang siya ay dumalo sa World Hijab Day na ginanap sa Camp Aguinaldo nitong
Pebrero 1.


“Kung sana matututo ang ating mga pulitiko sa AFP na marunong sa paggalang at
pakikiisa, hindi sana tayo nabubuhay sa tsismis. Ang pulitika natin puro tsismis na rin,”
ani Padilla sa kanyang talumpati.


“Ang pag-unlad ng bayan natin, mag-uumpisa sa paggalang at disiplina… Kung makuha
lang natin ang disiplina na ito, darating ang araw [na] tayong mga Pilipino di lang sa
usapin ng hijab kundi lahat na aspeto ng kultura, lengwahe at tradisyon, uunlad tayo,”
dagdag niya.

BASAHIN  ‘Malicious attack’ sa ots chief ang resign call ni Romualdez?


Ipinabatid din ni Padilla sa mga kasundaluhan ang isinusulong niyang panukalang
batas sa Senado para sa paggunita ng National Hijab Day sa bansa tuwing ika-1 ng
Pebrero.


Aniya, natuwa siya nang malamang pinayagan ni AFP chief of staff Gen. Romeo
Brawner Jr. ang kababaihang [Muslim] sa AFP na magsuot ng hijab, kung kaya’t
hiniling niya sa ehekutibo na palakihin ang budget ng AFP para sa mga programa nito
para makuha ang tiwala ng taumbayan, tulad nang pagsusuot ng hijab.


“Hiling natin sa ating mga namumuno sa executive at legislative, mas lakihin pa budget
ninyo hindi lang sa organization kundi sa sinusulong ninyo na ganitong bagay…
winning the hearts and minds of the Filipino people,” aniya pa.

BASAHIN  ₱100 dagdag sa daily minimum wage – Jinggoy

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA