2 bettor maghahati sa ₱121-M jackpot sa Mega Lotto

Share

Tinamaan ng dalawang mananaya ng Mega Lotto 6/45 ang mahigit ₱121 million na jackpot price na binola noong Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang jackpot amount ng Mega Lotto 6/45 ay nasa ₱121,816,502.40 na may winning combination na 09 – 07 – 29 – 28 – 11 – 18.

Sinabi ng PCSO na isang mananayang taga-Davao City ang bumili ng ticket sa outlet ni Perales, Edna sa Sto. Rosario St. Palm Drive, Buhangin habang ang isa naman ay bumili sa Betmagic Gaming Corporation lotto outlet sa Lianas, Mutya ng Pasig Mall, Pasig City.

Samantala, 252 players naman ang nanalo ng tig-₱32,000, habang 7,690 ang nanalo ng ₱1,000 at nasa 92,098 mananaya ang nanalo ng tig-₱30.

BASAHIN  Mag-ingat sa pekeng ‘online endorsements’ —DoH

Sa ngayon ay wala pa ring nakakakuha sa jackpot prize na ₱622,896,835.60 ng Grand Lotto 6/55 na may winning combination na 08 – 18 – 24 – 17 – 28 – 04.

Gayunman, may nanalo naman ng ₱100,000 na 215 katao, nasa 7,389 players ang nanalo ng ₱1,500 at 96,047 mananaya naman ang nanalo ng ₱60.

IBA PANG BALITA

Romualdez pinagbawalang lumipad patungong Singapore

HINDI pinahintulutan ng Office of the Ombudsman si dating House Speaker Martin Romualdez na pumuntang Singapore para sana umano sa isang medical chek-up. Ito ang...

Distribusyon ng ayuda sa mga drayber ng TNVS iniwasan ni PBBM?

HINDI na tumuloy si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para saksihan sana ang distribusyon ng P5,000 pinansiyal na ayuda para sa mga drayber ng Transportation...

Senado, naghahanda na sa impeachment laban kay VP Sara

Kinumpirma ni Senate President Tito Sotto III na pinulong niya ang mga kasapi ng Senate Majority Bloc ukol sa pagpapa-impeach ngayon kay Vice President...

Modernong correctional facility sa Nueva Ecija, sinimulan na

Pinangunahan ng Bureau of Corrections o BuCor ang groundbreaking ng bagong correctional facility sa Palayan City, Nueva Ecija. Nagkakahalaga ito ng 470 milyong piso at...

Legalidad ng muling pagpapaliban ng BSKE, pinapabusisi ni Sen. JV Ejercito

Iginiit ni Senador Joseph Victor Ejercito na nararapat na pag aralan muna ng kongreso kung legal ang panukala na muling ipagpaliban ang Barangay at...