33.4 C
Manila
Saturday, July 12, 2025

Motorcycle rider, patay matapos mabangga ng isang truck sa Taguig City

Patay ang isang 29-anyos na lalaki matapos mabangga ng isang truck sa Taguig City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si alyas Joel, isang kitchen staff, residente ng Taguig City.

Batay sa report, bandang 3:54 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa tapat ng isang condominium sa Barangay Cembo, Taguig City habang minamaneho ng biktima ang kanyang Yamaha Sniper MX MC.

Lumagpas ito sa kanyang binabaybay na lane at sumalpok sa opposite lane kung saan naman tumatahak ang isang truck.

Tumilapon ang biktima at nagtamo ng matinding pinsala sa katawan at ulo na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

BASAHIN  Magpinsan nasakote sa pamamaril at droga sa Pasay

Arestado naman ang driver ng truck na si alyas Jeffrey, 39-anyos, na nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide.

BASAHIN  Motorcycle taxi service ni Dingdong Dantes, umarangkada na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA