33.4 C
Manila
Monday, June 23, 2025

Natagpuan na, bangkay ng na-crash na Piper plane

NATAGPUAN na nitong Sabado ang katawan ng pasahero nang bumagsak na Piper plane sa
may bahagi ng Isabela noong Nobyembre.


Nakita ng K-9 rescue team ang katawan ng babae halos 200 metro ang layo mua sa actual crash site sa Barangay Casala, San Mariano, Isabela, ayon sa ulat ng Incident Management Team (IMT).


Naniniwala ang IMT na ito ang katawan ni Erma Escalante, ang barangay health worker ng
Palanan, ang nag-iisang pasahero ni Capt. Levy Abul II, piloto.


Natagpuan ng isang Beagle tracking dog mula sa AK9 Mandog Society ang biktima malayo sa Piper plane na may tail number RP-C1234.

BASAHIN  2 dating kaalyadong pulitiko ni Mayor Vico, kumalas na


Bago pa ito, nauna nang nakita ang bangkay ng piloto nitong Disyembre 7.


Samantala, dinala kaagad ang bangkay nitong alas-dos nang tanghali sa Tactical Operation
Group 2 ng Philippine Air Force (PAF), at diretsong dinala sa Palanan, Isabela.

BASAHIN  PH, upper middle-income status na sa 2025

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

818,000FansLike
50FollowersFollow
93,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA