HomeMetro ManilaMga guro sa Marikina,...

Mga guro sa Marikina, makakaranas ng long vacation

Makakaranas ng long weekend ang mga guro sa Marikina City.

Kasunod ito ng pagdedeklara ng Teachers’ Day sa lungsod ngayong Huwebes, at sa Biyernes naman ay nationwide non-working Holiday bunsod ng Feast of the Immaculate Conception of Mary, at weekends ng Sabado at Linggo.

Binigyang diin ni Marikina City Mayor Marcelino “Marcy” Teodoro na patuloy na ipinatutupad ang Ordinance No. 031 o ang “Ordinance Declaring the Second Friday of the Month of December as Marikina Teacher’s Day” na naipasa noong 2010.

Kaugnay nito, lahat aniya ng public schools sa siyudad ay magpapatupad ng asynchronous classes para ma-enjoy ng mga guro ang kanilang mahabang bakasyon.

BASAHIN  DSWD, Cayetano naghatid ng tulong sa "Individuals in crisis"

Pinayuhan naman ni Mayor Teodoro ang mga guro na gamiting ang kanilang long weekend para sa kanilang pamilya.

BALITANG NASYUNAL

spot_img

METRO MANILA

BALITANG PROBINSYA

POLICE REPORT

IBA PANG MGA BALITA