33.4 C
Manila
Tuesday, October 1, 2024

2 Drug suspects, timbog sa Binangonan

DALAWANG drug suspects, ang isa’y construction worker, ay inarest sa isang drug buy-
bust operation sa Binangonan, Rizal nitong Linggo ng gabi.


Nasakote sa operasyon sina alias Jessy, 40; construction worker, at alias Payat, 18;
parehong residente ng Binangonan, Rizal.


Nahuli ng mga awtoridad ang dalawang suspects sa isang operasyon na sinagawa sa
0195 Sitio, San Valentine Street, Barangay Pantok, mag-aalas-10:30 ng gabi.


Nakumpiska sa kanila ang anim na sachets na pinaghihinalaang shabu na may timbang
na 18 grams bawat isa, na tinatayang may presyong P124,200. Kinumpiska rin sa
dalawa ang P500 buy-bust money, isang cellphone at isang coin purse.

BASAHIN  Nasunog na junkshop, nandamay pa ng 7 bahay sa Antipolo


Nakapiit ngayon ang dalawang suspek sa Binangonan Municipal Police Station custodial
facility. Sila ay kakasuhan sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002.

BASAHIN  Delivery rider na hinoldap, bilib sa bilis ng pulis

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA