SINABI ni Commission on Higher Education (CHEd) Chair Prospero de Vera III na kinakailangang
maging agresibo ang higher education institutions para maging international at globally competitive.
“The CHEd can help our colleges and universities to link them with foreign universities and to have
international partnerships with them,” saad ni De Vera sa awarding ceremonies ng Champions of Nation-Building and Sustainability Awards sa PICC, sa Pasay City nitong Biyernes.
“Maski gusto man natin o hindi, patuloy na nagbabago ang mundo, at ang mga unibersidad at kolehiyo ay dapat tumingin nang malayo. At kahit na makipagkumpetensya tayo o hindi, tayo ay ihahambing.
Ang masasabi ko lamang ay ipaglaban natin ito”, pahayag ni De Vera sa wikang English.
Sinabi pa ni De Vera na sa SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Hulyo, binanggit ng
Pangulo ang pagsisikap ng mga unibersidad at kolehiyo para maging global.