Suportahan ang 911 emergency services – Gatchalian

Advertisement

IPINAHAYAG ni Senador Win Gatchalian kamakailan na gusto niyang maging aktibo sa
paglahok ang local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng 911 emergency service ng
Philippine National Police (PNP).


Nilinaw ng senador na ang pagtanggap ng emergency call ay kaiba sa pagtugon sa tawag na
iyon, na mas mahalaga. Kung aktibo ang lokal na pamahalaan, agad silang makatutugon sa
lahat ng uri ng emergency.


“Ito ay isang pangarap para sa lahat ng local government units sa bansa gayundin para sa ating
mga nasasakupan na magkaroon ng isang emergency number na madaling tandaan at tawagan
na magbibigay-daan sa direktang access sa pulisya, medic, bumbero, at maging ang ibang
serbisyo ng lokal na pamahalaan,” ani Gatchalian.


Partikular na hiniling ni Gatchalian sa DILG na magbigay ng isang road map na magdadala sa
bansa sa pagkakaroon ng komprehensibo ng 911 emergency services coverage.

Advertisement


“Bigyan nyo kami ng roadmap. Ang mahalaga dito ay hindi lamang ang pagtanggap ng mga
tawag kundi kung paano natin maipapadala ang mensahe mula sa mga maysakit na nasa kalye
hanggang sa ambulansya sa ospital. Ang oras ng pagtugon ay kailangang paikliin para mabigyan ng agarang serbisyo ang mga kababayan nating nangangailangan ng tulong,” dagdag
pa ng senador.

BASAHIN  Dec. 31 deadline sa PUV consolidation, tuloy – LTFRB


Ibinunyag ni DILG USec. Lord Villanueva na ang 911 emergency services ng bansa ay
tumatanggap ng average na 60,000 tawag araw-araw. Hindi kayang palakihin ng ahensya ang
serbisyong pang-emergency nito dahil kulang sa pondo. Umabot lamang sa P26 milyon ang
pondo nito noong nakaraang taon, na pareho rin ngayong 2023.


Nangako si Gatchalian na magsisikap siya para magkaroon nang mahusay na 911 emergency
services tulad ng sa Amerika.


“Iyan ay isang adhikain para sa ating lahat, lalo na sa larangan ng kapayapaan at kaayusan,”
pagtatapos ng senador.

Advertisement

LATEST STORIES

Grid operator places Visayas, Mindanao under power alerts as plant outages mount

THE National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) placed the Visayas and Mindanao grids under red and yellow alerts on Friday as widespread power...

Meralco cuts electricity rates for second straight month in September

CUSTOMERS of the Manila Electric Company (Meralco) will see a second consecutive month of rate relief, with the utility announcing a reduction of ₱0.0409...

Human chain delivers lifeline water across damaged Zambales crossing

DISRUPTED infrastructure and damaged water sources failed to stop relief operations in Barangay Sta. Fe, San Marcelino town as humanitarian workers and local residents...

Mayor Robredo rallies 11,000-strong security force for Peñafrancia festivities

AROUND 11,000 security personnel, government responders, and volunteer groups assembled at the Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia on Thursday,...

MMDA converts former Carmona landfill into green space and disaster training hub

IN a major push toward urban resilience and environmental sustainability, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) has officially transformed a former sanitary landfill into...

Oyo, Kristine, inaasahan ang ika-6 na anak

CELEBRITY Baby! Hindi pa lumalabas sa mundo ang ika-anim na anak nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa, pero naka-post na sa Instagram ang ultrasound image...