33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Vietnam, palalakasin ang pagkikipag-kalakalan sa PH

HINAHANGAD ng Vietnam na mapahusay ang pakikipag-kalakalan sa Pilipinas sa pamamagitan
nang pagdadala ng suplay ng bigas, kape, at iba pang produkto sa Maynila.


Sa isang papupulong noong Biyernes, sinabi ni Nguyên Phúc Nam, Director General, Ministry of
Industry and Trade Deputy na handa ang Hanoi na mag-suplay ng iba’t ibang produkto sa abot-
kayang halaga para matugunan ang pangangailangan ng bansa.


Sa kasalukuyan, ang Hanoi ay nagluluwas dito ng mobile phones, electronics, frozen seafoods,
chemicals, animal feeds, bigas, semento, kape, paminta, sapatos, at iba pa.


Noong 2022, umabot lamang sa US$5.1 bilyon ang export at US$2.7 bilyon ang import ng Vietnam, o may kabuuang US$7.8 bilyong kalakalan.

BASAHIN  Romualdez: Inspeksyon sa mga bodega ng bigas, patuloy


Hinihimok ni Nam ang mga kumpanyang Pilipino na mag-export sa Vietnam ng electronics,
seafood, minerals, phamarceuticals, electric cables, chemicals, metals, tobacco materals, at iba pa.


Nauna rito, nakipagpulong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Vietnamese Prime Minister
Pham Minh Chinh noong Hulyo 10 para palakasin ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa sa
larangan ng turismo, investment, agriculture at defense and security.

BASAHIN  Reclamation sa Manila Bay, suspendido na

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA