Passport, 5 araw na lang ang processing

Share

GOOD-BYE na sa mahabang pila
Ito ang mensaheng nais ipabatid ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga nais kumuha o
mag-renew ng passport.


Kamakailan, inianusyo ng DFA ang pagpapaikli nang pagpo-proseso ng passport, regular man o
express application.


Ayon kay Asec. Henry Bensurto Jr., ng Office of Consular Affairs, simula sa araw na ito, Hulyo 24,
mapabibilis na ang pagpo-proseso ng passport at iikli na lang ang panahon nang paghihintay bago
mai-release ito.


Ayon pa kay Bensurto, dati, ang regular passport application ay nare-release sa loob ng 12-14
araw, pero ngayon, 10 araw na lamang. Ang express naman ay magiging limang araw na lang, na
dating pitong araw.

BASAHIN  3 Pinoy scam victims, pinahirapan sa gubat

Idiniin ni Bensurto na ang mga nabanggit ay para lamang sa taga-Metro Manila. Samantalang
ang consular offices sa iba’t ibang parte ng bansa ay mas mabilis din ang proseso pero hindi
kasing bilis ng sa Metro Manila, dahil sa shipping.


Kung dati-rati, mahigit daw anim na buwan ang pagkuha ng appointment sa consular office,
ngayon, itoy mula 5-12 araw na lamang, pagtatapos ni Bensurto.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Dagdag-singil sa kuryente ng Meralco, ipatutupad ngayong Pebrero

Magpapatupad ng dagdag-singil sa kuryente ang Manila Electric Company o Meralco ngayong buwan. Batay sa abiso ng Meralco, ₱0.57 kada kilowatt hour ang karagdagang singil...