33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Mayor Vico sa mga negosyante: Ang layo na ng narating ng pagnenegosyo sa Pasig; El Mercedes events place, pinasinayaan

IBINIDA ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang mabilis na proseso at iba pang inilatag na mga pagbabago na ginawa ng kaniyang administrasyon mula nang maupo ito sa puwesto noong 2019 kung pagnenegosyo sa lungsod ang pag-uusapan.

“Mula 2019 sinimulan natin ang streamlining, pagpapadali ng proseso [bagama’t] hindi ko kayang sabihin na perpekto na siya [dahil] minsan nagkakaproblema pa rin,” ayon sa alkalde.

Ngunit sinabi ni Sotto na ang layo na ng narating ng kaniyang administrasyon dahil mas mabilis na ngayon ang paraan kung paano magtayo ng negosyo sa lungsod.

“Pero siyempre it goes both ways, meaning basta’t kumpleto rin ang requirements. Ang negosyante ay may part din na mag-comply. Kasi pag buo yong dokumento mo, buo yong requirements wala na ring room para sa corruption, wala ng room para may humingi pa ng lagay,” saad pa ng punong lungsod.

Idinagdag pa ni Mayor Vico na buo ang kanilang commitment na padaliin ang pagnenegosyo sa Pasig at bilang patunay ay na kinilala ang lungsod na “Most Business Friendly” ng Philippine Chamber of Commerce nitong nakaraang taon lamang at ngayong taon ay finalist din ang lungsod sa kaparehong kategorya.

BASAHIN  Isyu ng pagbaha sa ilang lugar sa Parañaque, dapat harapin ng mga Villar

Kasabay nito, naging panauhing pandangal ang punong lungsod sa pagpapasinaya at pagbubukas kaninang umaga ng pinakabagong events place sa Pasig, ang El Mercedes Events Place sa kahabaan ng Mercedes Avenue sa Brgy. San Miguel.

Ang nasabing establisyemento ay pagmamay-ari nina Niña Velasco Belgica at asawa nitong si Greco Belgica, ang dating chairman ng Presidential Anti-Corruption Commission sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasama rin sa nasabing okasyon sina Senador Robin Padilla, Congressman Roman Romulo, Bong Nebrija ng MMDA at Bishop Butch Belgica.

Para sa mga interesado, bukas ang nasabing events place para sa iba’t ibang okasyon tulad ng kasal, binyag, business conference at iba pang mahahalagang kaganapan sa personal, pamilya at negosyo.

Partner nila ang Mirabella Catering Services para sa nasabing mga okasyon.

Araw-araw mula alas-8 hanggang alas-6 ng gabi, bukas ang opisina ng El Mercedes Events Place na matatagpuan sa 1372 Mercedes Avenue, Brgy. San Miguel, Pasig City at maaari silang tawagan sa 09258777815 o sa kanilang Facebook Page.

BASAHIN  43 sasakyan ng Pasig LGU ginamit para sa 'Libreng Sakay,' ilang driver hindi nakisali sa unang araw ng transport strike

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA