2 huli sa ‘sugal pustang shabu’ sa Pasay 

Share

Nalambat ang dalawa katao matapos mahulihan ng shabu habang papatakas na sana sa pagsusugal ng cara y cruz sa sementeryo na kung saan ginagawa ang ‘pustang shabu’, kahapon sa Sarhento Mariano Cemetery sa Pasay City.

Ayon  sa report  ng Pasay Sub Station 5, nagpapatrulya ang kanilang team nang may nagbigay ng tip na may nagsusugal sa sementeryo at shabu ang tayaan.

Agad silang nagresponde at sinuyod ang looban ng sementeryo at naaktuhan ang grupo na nagka-cara y cruz at mabilis na nagkalasan ng makita ang paparating na pulis.

Nagkaroon ng habulan sa pagitan ng mga tumataya at pulis at nalambat ang dalawang suspek na sina Jerome Manzano, 24-anyos, e-trike driver at Analyn Ange, 37-anyos, vendor, kapwe residente ng Pasay City.

BASAHIN  ₱118-K shabu, nasabat sa dalawang tulak sa Caloocan City

Nang kapkapan ang dalawa ay nakita ng apat na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 55.36 gram at may market value na P304,480.00.

Nakumpiska rin ang P300 na pantaya sa sugal at tatlong P1.00  na ginamit sa cara y cruz.

Kinasuhan  ang dalawang suspect sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165  o Illegal Possession of Dangerous Drugs at paglabag sa PD 1602  o Illegal Gambling.

Kasalukuyang nakakulong ang dalawa sa Pasay custodial facility.

IBA PANG BALITA

Nursing student arestado sa robbery extortion

ARESTADO ang isang nursing student sa isinagawang entrapment operation ng Pasig City Police Station sa kasong robbery extortion, madaling araw ng Mayo 23, 2026...

4,633 bagong kaso ng HIV sa Q1 ng 2026, NCR nangunguna

INANUNSYO ng Department of Health-Epidemiology Bureau (DOH-EB) na 4,633 ang bagong mga kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa bansa mula Enero hanggang Marso 2026...

‘All aBOARD Expo 2026,’ kasado na sa QC

KASADO na ang pangunahing family-oriented na tabletop gaming event sa Pilipinas, ang ‘All aBOARD Expo ’26 na gaganapin sa Quezon City mula Mayo 28...

Suspek sa rape-slay sa lola sa Rizal, tiklo

ARESTADO ang isang lalaki sa loob lamang ng 36-oras matapos ang agarang follow-up investigation at hot pursuit operation hinggil sa panghahalay at pagpatay sa...

Halos 24,000 guro sumalang sa assessment test para maging school principal

UPANG higit pang itaas ang antas at kalidad ng basic education, umabot sa 23,994 mga guro ang kumuha ng pagsusulit para maging schoo, principal. Layon...

16 Pinoys nakauwi na mula israel;hospital blast, dahil daw sa islamic jihad

INIANUNSYO ng Department of Migrant Workers (DMW) na nakauwi na kahapon ang unang batch ng overseas Filipino workers (OFWs) na nagmula sa Israel, matapos...