ISANG 19 na taong gulang na lalaki ang nahuli sa Pasig City noong Linggo dahil sa paglabag sa
gun ban ng Comission on Elections (Comelec).
Kinilala ang suspect na si alias Jiro, residente ng Barangay Sagad sa lungsod.
Sa isang inisyal na imbestigasyon, habang ang mga pulis ay nagpapatrolya malapit sa lugar,
nakatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa barangay security force (BSF), na humihingi ng
police assistance. Sinabi ng miyembro ng BSF na may nakita silang isang lalaki sa madilim na
bahagi ng Afable Street, Barangay Sagad, na may hawak na baril sa hindi pa matiyak na kalibre.
Agad rumesponde ang mga pulis at naka-recover sa suspect ng isang .38 kalibre ng baril.
Si alias Jiro ay nakakulong ngayon sa Pasig City Police Station custodial facility, dahil sa
paglabag sa gun ban na iniutos ng Comelec.
Nagkabisa ang gun ban noong Agosto 28 at magtatapos sa Nobyembre 29 sa taong ito.