Nanumpa kahapon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ang 34 na lider ng Tricycle Operators and Drivers’ Associations (TODAs) ng 10 Embo Barangays na dating nasa Makati City.
Naganap ang courtesy call noong Lunes bilang paggalang at pagbibigay suporta ng mga bagong opisyal at miyembro ng EMBO Tricycle Taguig Federation (EMTRITAGFED).
Ayon kay Mayor Cayetano, handa ang Taguig City government na suportahan ang lahat ng namamasadang tricycle dahil alam nito ang hirap ng pamamasada Toda at nakahanda naman sila na pakingggan ang anumang hinaing at pangangailangan para magkaroon ng maayos na samahan.
Ayon kay Mayor Lani kinikilala ng Taguig ang kahalagahan ng transport sector dahil bahagi sila ng Taguig Community at nais ng mayora na ipadama sa kanila ang Transformative, Lively at Caring City ng Taguig.
Giit pa ng alkalde na malaki ang maitutulong ng transport sector sa pag-unlad ng Taguig
Patuloy na mamamasada ang mga TODA mula sa 10 Embo Barangays at asahan na wala nang balakid pa sa kanilang trabaho dahil malugod na silang tinanggap ng Taguig LGU.