Jay Sonza kulong sa ‘illegal recruitment’

Share

KULONG na sa kasong syndicated o large-scale illegal recruitment at non-bailable offense pa ang dating newscaster at talk show host na si Jay Sonza at ngayon ay nakakulong na sa Quezon City Jail quarantine facility sa Payatas.

Inaresto si Jose Yumang Sonza, o Jay Sonza, 67-anyos, tubong Pampanga, ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Bureau of Immigration (BI) sa loob ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 bago ito makalabas pa ng bansa patungong Hong Kong.

Ayon kay NBI Assistant Director Glen Ricarte, may pending na kasong estafa si Sonza bukod pa sa syndicated and large scale illegal recruitment.

BASAHIN  CEBB: Kakaibang kolehiyo sa likod ng rehas

Sinabi pa ni Ricarte na si Sonza ay nakatakdang umalis patungong Hong Kong noong July 18 nang harangin ng Immigration officials dahil sa kinahaharap na kaso na kung saan ay listed na ang kanyang pangalan.

Matatandaang si Sonza ay naging kontrobersyal sa pagbanat noon sa ABS-CBN na dati niyang pinagtatrabahuan bilang media at nakilala pa si Sonza sa programang “Mel & Jay” ng GMA.

IBA PANG BALITA

Agarang safety checks, emergency support sa 6K eskuwelahan sa Mindanao na apektado ng lindol iniutos ni Angara

INIUTOS ni Education Secretary Sonny Angara ang agarang mobilisasyon ng safety checks at emergency support sa mga apektadong paaralan sa Mindanao kasunod ng naganap...

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

MSMEs mula MisOr nakabenta ng ₱20-M sa ginanap na DTI Expo

MAHIGT ₱20 milyong ang kabuuang benta ng mga maliliit na negosyante o micro, small, and medium enterprises (MSMEs) mula sa lalawigan ng Misamis Oriental...