Makatizens ‘DISMAYADO’ sa sirang laboratory machines ng Ospital ng Makati

Share

Nagpahayag ng matinding pagkadismaya at pagkaalarma ang mga residente ng Makati, partikular na ang mga senior citizen at PWD, dahil sa iniulat na hindi gumaganang laboratory machines sa Ospital ng Makati (OsMak).

Dahil sa aberyang ito, napilitan ang mga pasyente na dagsain ang Makati Life sa District 1 na nagresulta sa napakahabang pila, habang ang iba naman ay napipilitang lumabas at gumastos ng malaking halaga sa mga pribadong ospital para lamang makapagpa-test.

Naging viral nitong Abril 16 ang isang Facebook post mula sa page na “Balitang Supremo” na umani na ng halos 98,000 views kung saan ibinuhos ng mga netizen ang kanilang hinaing tungkol sa kalagayan ng serbisyong medikal sa lungsod.

Ayon sa ilang komento, ang ugat umano ng problema ay ang pagpapalit ng service provider ng laboratoryo sa Makati na hindi naging maayos ang transisyon, kung kaya’t nanawagan ang mga residente na sana ay naging handa ang papalit na provider upang hindi ang mga tao ang nagtitiis, lalo na ang mga senior at PWD na nangangailangan ng regular na monitoring.

Ramdam na ramdam ang epekto ng problemang ito sa bulsa ng mga mamamayan dahil umaabot sa P5,000 hanggang P15,000 ang tinatayang halaga ng laboratory tests sa mga pribadong pasilidad na dapat sana ay libre o subsidized sa ilalim ng Yellow Card.

BASAHIN  May tensyon pa rin sa transfer ng 14 na paaralan sa Taguig?

Isang residente na kinilalang si Amelita Flores ang nagbahagi na umabot sa P9,000 ang kailangang bayaran para sa laboratoryo nila ng kanyang anak, kung kaya’t tinitiis na lamang nila ang kanilang nararamdaman dahil sa kawalan ng pondo, habang ang ilang pasyente naman ay napaulat na ipinapadala pa hanggang sa Pateros-Taguig Hospital para lamang makakuha ng serbisyo.

Kinuwestiyon ng mga residente kung bakit nagkakaroon ng ganitong aberya sa isang lungsod na kilalang may malaking pondo at iminungkahi na habang wala pang bagong provider ay mag-consign muna ang pamahalaan sa mga pribadong pasilidad kung saan pwedeng gamitin ang Yellow Card.

Dahil sa sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng bilihin at gasolina, lalong sumisidhi ang panawagan kay Mayora Abby Binay na mabilis na aksyunan ang krisis na ito sa laboratoryo ng OsMak upang hindi na madagdagan ang pasanin ng kanyang mga konstituente.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Briones, masaya kay VP at DepEd Sec. Duterte

MASAYANG sinabi ni dating Education Secretary Leonor Briones na isang malakingkarangalan na itinuloy ni Vice-President at DepEd Secretary Sara Duterte ang mga reporma saedukasyon...