PARA PASULUNGIN ANG HUMANITARIAN COMMUNICATION

19 Disseminators sinanay ng PH Red Cross

Share

LABING SIYAM na mga indibiduwal ang nakatanggap ng pagsasanay kung paano pasusulungin pa ang makataong pakikipag-ugnayan sa komunidad sa Disseminators Training na ginanap sa national headquarters ng Philippine Red Cross (PRC) mula Abril 20-24, 2026, Mandaluyong City.

Sa pamamagitan ng International Humanitarian Law (IHL) Office, ang nasabing pagsasanay ay nilahukan ng mga chapters mula Agusan del Norte–Butuan City, Agusan del Sur, Western Samar, Gingoog City, Palawan, Northern Samar, Misamis Occidental–Oroquieta City, at Zambales.

Nakapokus ang pagsasanay sa kung paano ipapaliwanag ang makabuluhang ginagawa ng Red Cross at Red Crescent Movement, fundamental principles, ang tamang paggamit sa emblema at mga serbisyo ng PRC.

Lalo pang pinahusay ang kakayahan nila sa mga pahayag pangmadla, pagsasagawa ng mga plano at pakikitungo sa iba’t ibang uri ng mga tao sa isang magalang na paraan.

BASAHIN  Tulong ni Ka Rex Cayanong pinabilis, pinasimple gamit ang QR code
Ang mga kalahok ay mula sa Agusan del Norte–Butuan City, Agusan del Sur, Western Samar, Gingoog City, Palawan, Northern Samar, Misamis Occidental–Oroquieta City, at Zambales (Photo: PRC-Media)

Binigyang-diin ni PRC Chairman and CEO Richard J. Gordon ang kahalagahan ng maayos na komunikasyon sa kanilang trabaho.

“Ang malinaw at mapagkakatiwalaang komunikasyon ay tutulong sa publiko na magtiwala sa atin. Malaki ang maitutulong ninyo upang malaman ng mga tao ang mahalagang papel na ginagampanan ng Red Cross,” ang pahayag ni Gordon.

“Kung malinaw ang komunikasyon at may empatiya ang ating mga staff at boluntaryo, magiging matibay ang ating ugnayan sa kanila at makakapaglingkod tayo ng mahusay,” dagdag naman ni PRC Secretary General Dr. Gwendolyn T. Pang.

Palalakasin pa ng Philippine Red Cross ang boses nito at misyon at titiyakin na ang bawat ibinabahaging mensahe ay magpapatibay ng tiwala, magbubukas ng pinto at para magdala ng kinakailangang tulong sa mga mas higit na nangangailangan.  

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Milk bank, pediatric hemodialysis sa MCMC ibinida ni Mayor Abalos

IBINIDA ni Mayor Ben Abalos ang pagtatatag ng isang human milk bank at pediatric hemodialysis unit sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC) kamakailan. Ang nasabing...