PHISHING EXPEDITION NA UMANO ANG GINAGAWA NG KOMITE

Argumento ni Marcoleta tablado kay Luistro

Share

TINABLA ng House Justice Committee ang clarificatory question sa manipestasyon ni Sagip Party-list Rep. Paolo Henry Marcoleta na kumukwestyon sa proseso ng impeachment proceedings na tumatalakay sa SALN ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Marcoleta, ang pagtalakay umano dito ay maituturing na fishing expedition dahil ang dokumento ay naisumite na sa Office of the Ombudsman.

Bunsod dito, hayagang ipinamukha ni House Justice Committee Chair at Batangas Rep. Gerville Luistro kay Marcoleta na hindi pwedeng magbigay ng clarificatory question ang mambabatas dahil hindi naman ito miyembro ng komite.

Diin pa ni Luistro, kasama sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte ang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).

“That’s for the record. Any other member who wishes to, Honorable Marcoleta, please understand that you are not a member of the Justice Committee.

BASAHIN  VP Sara hinamon ni Cong. Abante, harapin ang pagdinig sa Kamara hindi ang media

You’re allowed to manifest, but you cannot raise clarificatory questions to the resource persons,” paalala ni Luistro kay Marcoleta.

“Malaki ang pinagkaiba ng isang complaint that already alleges ultimate facts supported by evidence. And a complaint that substantially requests this committee to authorize this committee to investigate. And perhaps we will later find the proof,” paliwanag naman ni Marcoleta.

Kaugnay nito’y binasa ni Luistro kay Marcoleta kung saan-saan sa mga dalawang impeachment complaint nabanggit ang SALN ni Duterte na isa sa mga dokumentong ipinasumite ng komite sa Office of the Ombudsman.

Giit naman ni Marcoleta, na mas mabuting magdesisyon sa nasabing usapin ay ang Korte. (FELIX TAMBONGCO)

IBA PANG BALITA

Alan Peter Cayetano inihalal na bagong pangulo ng Senado

NABULAGA hindi lamang ang mayorya kundi lalo na si Senador Tito Sotto nang mag-mosyon si Senador Alan Peter Cayetano na bakantehin ang lahat ng...

10,000-person task force para hulihin si Bato binuwag ng DILG

BINUWAG na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang binuo nitong 10,000-katao na Task Force para arestuhin si Sen. Ronald “Bato”...

Marikina LGU pinarangalan sa HR management

BINIGYAN ng komendasyon ng Civil Service Commission (CSC) ang lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Marikina dahil sa kahusayan sa pangangasiwa sa mga kawani...

Ilegal na bentahan ng LPG sa Rizal nabisto, 3 arestado

NABISTO ang ilegal na bentahan ng liquefied petroleum gas (LPG) sa Rodriguez, Rizal matapos magsagawa ng test-buy operations ang mga otoridad noong Miyerkules, Mayo 6,...

TESDA, STI nag-kolab para sa libreng AI training

ISANG kolaborasyon sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at STI College (STI) ang nabuo upang itatag ang Artificial Intelligence (AI)...

DAR, kumpiyansang matatapos ang pamamahagi ng indibidwal na titulo ng lupa sa 2027

Kumpiyansa si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III na matatapos ng pamahalaan ang pamamahagi ng mga indibidwal na titulo ng lupa...