Paggamit ng cyanide ng mga mangingisdang Tsino sa Ayungin Shoal pinalagan ng DFA

Share

SA ISANG opisyal na pahayag, pinalagan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang umano’y ilegal na paggamit at pagtatapon ng cyanide sa Ayungin Shoal ng mga mangingisdang Tsino, isang insidenteng may implikasyon sa kapaligiran at soberanya ng bansa.

Ayon sa ahensya, kanilang kinilala ang pahayag na inilabas noong Abril 14 ng National Security Council (NSC), sa pamamagitan ni Assistant Director General at Spokesperson Cornelio H. Valencia, kaugnay sa paggamit ng mapanganib na kemikal sa nasabing lugar.

Dagdag pa ng kagawaran, hinihintay pa umano nito ang pormal na ulat mula sa mga kinauukulang awtoridad ukol sa resulta ng siyentipiko at teknikal na pagsusuri sa mga kemikal na nakumpiska mula sa mga Chinese fisherfolk sa Ayungin Shoal noong nakaraang taon.

Ang naturang ulat ang magiging batayan ng DFA sa pagtukoy ng naaangkop na diplomatikong hakbang sa usapin.

BASAHIN  Abalos inindorso ni Robredo

Binigyang-diin pa ng ahensya na ang paggamit ng cyanide at iba pang nakalalasong kemikal sa karagatan ay iresponsable at hindi katanggap-tanggap.

Taliwas umano ito sa mga obligasyon ng mga bansang lumagda sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), partikular sa tungkuling pangalagaan at panatilihin ang kalinisan ng karagatan at yaman nito upang maiwasan ang polusyon.

Muli namang iginiit ng pamahalaan ng Pilipinas na patuloy nitong babantayan at tututulan ang anumang paglabag sa soberanya, at hurisdiksyon ng bansa sa lahat ng saklaw ng teritoryong pandagat nito.

Sinabi pa ng DFA na mananatiling matatag ang Pilipinas sa pagtatanggol sa pambansang interes at sa pangangalaga ng yamang-dagat sa West Philippine Sea. (IZA ALDANA)

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Richard, masaya kina Ruffa, Bistek

MASAYA daw si Richard Gutierrez na makitang masaya rin ang kanyang ate Ruffa Gutierrez, 49, sapiling ni Herbert “Bistek” Bautista, 54, celebrity at dating...