Kaso ng nawawalang si Isabelle Sophia Tablate idinetalye ng Pasig PNP

Share

NABIGYANG linaw na ng Pasig PNP ang kaso kaugnay sa pagkawala ng isang 15-anyos na dalagita na Isabelle Sophia Tablate na huling namataan sa Brgy. Santolan, Pasig City, noong Marso 23, 2026.


Sa isinagawang press conference ng Pasig PNP, sinabi ni PMaj. Loreto Tigno, Assistant Chief of Operations, na wala silang makitang foul play sa nasabing insidente kunti kusang kinitil ng dalagita ang kaniyang buhay.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasig PNP, nakita sa isang CCTV footage ang biglang pagliko ng dalagita sa isang madilim na parte ng kalye sa kahabaan ng Evangelista Avenue.

Makikitang nag-iisa at walang sumusunod sa dalagita habang naglalakad ito kung kaya isa pa itong patotoo na walang ibang sangkot na indibiduwal o grupo sa insidente.

Limang araw pagkatapos maideklarang nawawala si Sophia, may nakitang isang bangkay ng dalagita sa isang bakanteng lote sa mismong pinaglikuan ng dalagita na nakabitin sa isang punongkahoy.

Sa pakikipagtulungan ng Pasig PNP kay Victorino Tablate, ang mismong ama ng dalagita, kinumpirma nilang ito nga ang bangkay ng nawawalang si Sophia.

Bagama’t hindi na makilala ang mukha ng bangkay dahil sa nagsisimula na itong naaagnas, nakilala nila ito sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga kasuotan at gamit na nakapaligid sa pinangyarihan.

BASAHIN  79-anyos na lola, binugbog ng anak dahil walang ulam

Sa autopsy, walang nakitang foul play o anumang bahid ng karahasan kaya idineklara ng kapulisan na ang ikinamatay ng dalagita ay ang pagkitil ng sariling buhay gamit ang lubid.

Bago ito gawin ng biktima, nagpunta muna ito sa malapit na mall sa Marikina at bumili ng lubid, na narecover din kasama ng ilang mga gamit tulad ng cellphone, resibo, extrang damit at jacket na may mga pirma ng kaniyang mga kaklase.

Hindi naman kaagad nagduda ang mga kaklase nito dahil ito na ang huling araw ng kanilang pasok sa school year isang sulat-pamamaalam sa mga kaibigan ang nilalaman nito.

Ang ilang sulat ay kababasahan ng mga pahiwatig na iiwanan na niya ang kaniyang mga kaibigan at hindi lubos maisip ng kaniyang ama na gagawin niya ang bagay na ito dahil wala naman siyang nakikitang senyales ng problema o depresyon sa kaniyang anak.

Sinabi ni Victorino Tablate sa mga kapwa niya magulang na magbigay ng higit na panahon sa kanilang mga anak upang hindi nila maranasan ang isang mapait na yugto sa buhay.

LATEST STORIES

LTFRB issues show cause orders to 21 bus and uv express operators over violations

THE Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) has ramped up its enforcement efforts across Metro Manila, issuing 21 Show Cause Orders (SCOs) to...

Angara backs proposed law to institutionalize comprehensive campus safety

EDUCATION Secretary Sonny Angara has expressed full backing for Senate Bill No. 2426, or the proposed Comprehensive School Safety Act, authored by Senate Committee...

Malacañang reallocates executive office furniture to four Rizal public schools

IN a bid to maximize government resources and upgrade public school infrastructure, the Office of the President (OP) has transferred executive office furniture and...

DepEd launches AI-powered Project LIGTAS+ to safeguard schools and cut learning loss

IN a major effort to shield students from chronic disruptions caused by natural disasters, the Department of Education (DepEd), under Education Secretary Sonny Angara,...

DTI, TikTok Shop, Converge Forge Partnership to Empower MSMEs Online

THE Department of Trade and Industry (DTI), TikTok Shop, and Converge SME Solutions have formalized a strategic tripartite partnership to accelerate the digital transformation...

Misis ng sundalo na tinaniman umano ng armas at bala, umalma; kaso laban sa mga pulis, inihahanda na

UMALMA si Nellie Barrios sa naging resulta sa isinagawang search warrant operation ng Passi City PNP sa kanilang bahay noong Agosto 12, 2023 pasado...