BABALA: Viral “sex scandal” video ng isang “atleta,” phishing scam

Share

VIRAL ngayon sa social media ang pangalang Zyan Cabrera o mas kilala bilang Jerriel “Cry4zee” Cryazee matapos gamitin ang mga larawan at video nila ng kanyang nobyo sa isang pekeng sexual video scandal na tinaguriang “Pinay Gold Medalist.” 

Iniugnay ang mga katagang “Pinay Gold Medalist” kay Cryazee dahil sa isa sa mga posts nito kung saan siya ay nakasuot ng kulay asul na jersey at may suot na gintong medalya anupa’t ipinangalan ito sa kumakalat na pekeng video. 

Walang opisyal na ulat na kumikilala kung tunay nga bang atleta si Cryazee ngunit kilala ang kanyang nobyong si Sam Hall bilang isang basketball player ng Far Eastern University (FEU) Diliman na mayroong 11.4K followers sa TikTok at 1,203 followers sa Instagram. 

Dahil naka-public ang mga accounts ni Cryazee at mayroong libo-libong followers, makikita sa mga public posts ni Crayazee ang matalik na relasyon nilang magkasintahan. 

Ayon sa Indian news website na “LatestLY” at post ng DepED Tambayan PH, ang Pinay Gold Medalist scandal ay isang phishing scam kung saan ang mga video links na kumakalat ay may dalang malware, isang cyber virus na nagnanakaw ng impormasyon o data. 

BASAHIN  Gilas, Hinalimaw ang Jordan, 70-60

Sa pamamagitan ng pag-click sa nasabing “full scandal video” link, maaaring ma-access ng mga hackers ang accounts, passwords, at mahahalagang impormasyon tungkol sa mga taong tumangkilik sa pekeng video. 

Ginamit ng mga hackers bilang thumbnail o panimulang larawan bago mag-play ang isang video kung saan ang malalapit na larawan at videos nina Cryazee at ng kanyang kasintahan kaya nagmukhang kapani-paniwala ang nasabing viral video.

Dahil likas sa maraming Pilipino ang pagiging mausisa at “Marites,” marami ang patuloy na humihingi ng link at nanonood ng nasabing full scandal video ng “Pinay Gold Medalist.” 

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay na ang pag-login sa social media sites upang mapanuod ang full video ay kapalit ng banta sa seguridad ng computer.

Ang mga katagang “Pinay Gold Medalist Scandal Video” ay may katusuhang ginagamit ng mga hackers hanggang ngayon bilang bansag sa kanilang cyber scam kasabay ng Olympic Winter Games na ginaganap ngayong Pebrero 6 hanggang 22 na pinagmumukhang kasangkot si Cryazee sa nasabing patimpalak. (May karagdagang ulat ni TIARRA YSABELA JOAQUIN, intern mula sa CEU-Malolos)

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...

Forest fire, pumigil sa turismo sa Itogon

DAHIL sa patuloy na pagkalat ng sunog sa malaking bahagi ng Barangay Tinongdan atDalupirip sa Itogon, Benguet, nagpalabas ng utos ang Benguet Provincial Government...