31 pamilya nasunugan ng bahay sa Marikina

TATLUMPONG pamilya ang nawalan ng bahay dahil sa sunog Biyernes ng gabi, Disyembre 26 sa Barangay Nangka, Marikina City, ayon kay Vice Mayor Del de Guzman.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-6:44 ng gabi sa 32 Avenue Balubad Phase 2 ng nasabing barangay at itinaas ang ikalawang alarma dakong 6:58 ng gabi.

Sinabi pa ng BFP na dahil sa lakas ng hangin kung kaya mabilis na kumalat ang apoy at unang tinupok ang labinlimang kabahayan.

Kaagad na dinala ang mga apektadong pamilya sa Camacho Civic Center, ang iba naman ay tumuloy sa kanilang mga kamag-anak at naglaan ang lokal na pamahalaan ng mga pagkain at modular tents.

Inaalam pa ng mga otoridad ang dahilan ng sunog. Tuluyang naapula ang apoy dakong alas-7:41 na gabi at walang naiulat na nasaktan.

IBA PANG BALITA

₱1-M halaga ng shabu nasamsam sa 4 HVI sa Rizal

APAT katao ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng San Mateo Municipal Police Station (San Mateo MPS) sa Brgy....

₱1.2-B ayuda napunta sa MC taxi “ghost riders”?

MAY posibilidad umano na higit sa ₱1 bilyon ang posibleng naipamigay sa mga “ghost riders” ng motorcycle taxi (MC taxi) dahil sa kawalan ng...

Eugene Nacino hinirang na 2026 ‘Makata ng Taon’

GAGAWARAN ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) si Eugene Geibrielle Nacino ng KWF Talaang Ginto: Makata ng Taon 2026 para sa kaniyang tulang: “Asín...

Mister tinapos ang sariling buhay matapos palakulin si misis

ISANG kaso ng parricide ang iniulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO) matapos matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang misis na sugatan...

Carnapper na nang-blackmail sa Rizal, arestado 

ARESTADO ang isang lalaki nang masakote ng mga pulis matapos manghingi ng pera sa biktima para maisauli ang ninakaw na motor sa Antipolo City,...