2 notoryus na tulak, kasabwat timbog sa ₱144K drug-bust ng EPD

TIMBOG ang dalawang suspek na itinuturing na notoryus na tulak sa National Capital Region (NCR) sa isinagawang drug buy-bust na ikinasa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Eastern Police District (EPD) bandang alas-8:40 ng gabi, Setyembre 1, 2025 sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinilala ni PBGen. Aden Lagradante, district director ng EPD, ang mga suspek na sina alyas “Arwin,” 43, No. 5 at alyas “Julio,” 34, No. 9 sa regional high-value individual (HVI) sa drug list; kasama ang isa pang kasabwat na si alyas “Karlo,” 37.

Naaresto ang mga suspek matapos makakuha ng verified intelligence report at koordinasyon sa iba pang mga sangay ng pulisya.

Nasamsam sa mga suspek ang 4 na heat-sealed plastic sachet na pinaghihinalaang shabu at tumitimbang ng humigit kumulang 21.30 gramo na may street value na aabot sa 144,800.

Narekober din mula sa kanila ang 7 tig-1,000 buy-must money sa nasabing operasyon kung saan isinagawa ang imbentaryo sa harap ng opisyal ng barangay at miyembro ng media bilang bahagi ng kaayusan ayon sa batas.

Dinala ang tatlo sa DDEU Office para sa kaukulang dokumentasyon at sa PNP Forensic Unit naman ang mga narekober na ebidensya at inilipat sila sa EPD custodial facility matapos ang medical examination.

Kakasuhan ang mga suspek ng mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Pasig City Prosecutor’s Office.

“Malaking dagok ito laban sa mga drug personalities na nag-ooperate sa Metro East. Walang takot na pangako namin dito sa EPD na tiyakin sa publiko na ligtas sila. Ang mensahe namin ay malinaw—ang ilegal na droga ay bawal. Tutugisin namin kayo,” ang matapang na pahayg ni Lagradante.

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...