Palasyo: Igalang ang desisyon ng Korte Suprema, ‘move on’ na

Share

IGALANG ang naging pasya ng Kataas-taasang Hukuman at ‘tuloy ang buhay.’

Ito ang tinuran ni Undersecretary Atty. Claire Castro ng Presidential Communications Office (PCO) matapos ideklara ng Korte Suprema noong nakaraang linggo na salungat sa isinasaad ng Saligang Batas ang inihaing reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.

Binigyang-diin ni Castro na dapat aniya na ibigay ng publiko ang tiwala nito sa Korte Suprema bilang ang natatanging institusyon para sa pagbibigay-kahulugan sa batas.

“Ang impeachment ay saklaw ng lehislatura at hudikatura, at kinikilala namin ang kanilang kalayaan sa pagtupad sa tungkulin sa ilalim ng Saligang Batas,” sabi ni Castro.

Muling nanindigan ang Palasyo na walang kinalaman ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ingay ng impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo dahil usapin aniya ito ng dalawang co-equal branch, ang Senado at Kamara.

BASAHIN  Distribusyon ng ayuda sa mga drayber ng TNVS iniwasan ni PBBM?

Giit pa ni Castro, hindi aniya binanggit ni Pangulong Marcos sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) noong Lunes ang may kinalaman sa impeachment.

Patunay lamang ito na maliban sa walang kinalaman, mas abala aniya ang Pangulo sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.

Matatandaan na nagsagawa ng isang espesyal na pagdinig ang Supreme Court en banc upang pagpasyahan ang inihaing petisyon ng panig ni Duterte na ibasura ang articles of impeachment na pinaburan naman ng mga hukom.

IBA PANG BALITA

‘Gapos gang’ binuwag ng EPD

NABUWAG kaagad ang bago pa lamang namamayagpag na ‘gapos gang’ matapos itong masukol sa isinagawang operasyon ng Eastern Police District (EPD) nito lamang Hulyo...

iACADEMY student secures prestigious FDCP film assistance grant

AN aspiring student filmmaker from iACADEMY has secured a major financial and developmental boost for her upcoming cinematic project after being named a recipient...

BIR, South Korea’s KOICA turn over enhanced electronic invoicing system to boost tax digitization

THE Bureau of Internal Revenue (BIR) and the Korea International Cooperation Agency (KOICA) officially marked the completion of the Electronic Invoicing and Sales Reporting...

New ₱150M packaging hub to boost Caraga MSME competitiveness

LOCAL micro, small, and medium enterprises (MSMEs) in the Caraga Region are set to receive a major competitive boost with the official launch of...

New chemotherapy center opens in Rizal

TAYTAY, Rizal — In a major breakthrough for local healthcare, the Taytay Chemotherapy Center has officially opened its doors on L. Wood St., Brgy....

Bulacan State U: Pasang-awa pa lang?

MUKHANG hindi pa magkakaroon ngayon ng medical school ang Bulacan State University (BSU), dahil pasang-awa pa lang ito sa requirements. Ayon kay Commission on Higher...