HIGIT P2 milyong halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasabat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Marikina City Police Station sa isinagawang buy-bust operation, Lunes, Hunyo 17, 2025 dakong alas-10:40 ng gabi sa Marikina City.
Kinilala ng bagong talaga na chief of police ng Marikina CPS na si PCol. Geoffrey Fernandez ang suspek na si alyas “Robin,” 32, at residente ng San Mateo, Rizal at nakatala bilang high-value individual (HVI).
Ayon kay Hernandez, ang suspek ay datri nang naaresto sa kahalintulad n akaso noong Agosto 2022 kung saan narekober s akaniya ang 55 gramo ng shabu na may street value na ₱374,000.
Sinabi pa ng bagong hepe ng Marikina City Police Station na nakumpiska kay “Robin” ang siyam na heat-sealed plastic sachets at 4 na knot-tied plastic bags na naglalaman ng pinaghihinalaang ilegal na droga.
Idinagdag pa ni Hernadez na humigit kumulang 295 gramo ng shabu ang suspek at aabot sa ₱2,006,000 ang tinatayang halaga, isang magandang “pasalubong” sa kaniya bilang bagong hepe ng Marikina CPS.
Nakapiit ngayon sa custodial facility ng Marikina City Police Station ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act ng 2002 sa Marikina City Prosecutor’s Office.