Rapist na pinsan ng biktima timbog

HINDI na umangal pa ang isang suspek sa ilegal na droga nang ihain pa sa kaniya ng mga pulis ang nakabinbing warrant of arrest sa kasong panggagahasa.

Base sa ulat na natanggap ni PCol. Felipe Maraggun, provincial director ng Rizal Police Provincial Office, kinilala ang suspek na si alyas “Gerlad,” 28 na tubong Batangas City.

Habang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng San Mateo Police Station sa kasong ilegal na droga, isinilbi sa kaniya ang isang warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 75 ng San Mateo, Rizal, noong Hunyo 28, 2016.

Ang suspek, na nahuli noong Hunyo 4, 2025 sa kaosng iligal na droga ay nahaharap ngayon sa kasong 2 counts ng sexual abuse na may nakalaang piyansa na halagang P400,000.00.

Batay sa imbestigasyon, noong Enero 2016 ay isinagawa ang krimen ng akusado matapos abusuhin at halayin ang isang 13 taong gulang na menor de edad noon na kinilala lamang sa alyas “Joy” na kanyang 2nd cousin.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Mateo MPS habang inaasikaso ang legal na proseso para sa kanyang kaso habang ang korte ay iimpormahan sa matagumpay na operasyon. 

IBA PANG BALITA

Sen. Erwin Tulfo idinawit ng ‘Brave 18’ hindi lamang sa isyu ng male-maletang pera kundi pati sa ‘tawag ng laman’

TAHASANG ibinulgar ng dalawa sa mga miyembro ng tinaguring 'Brave 18' na mga retiradong miyembro ng Philippine Marines na maliban umano sa isyu ng...

Mutya ng Pasig Movement: Pagpapatupad ng batas kontra bullying paigtingin

NANANAWAGAN ang Mutya ng Pasig Movement na dapat pang paigtingin ang kampanya laban sa bullying at magkaroon ng makataong pagtingin sa kalagayan ng mga...

₱680K halaga ng shabu nasamsam, 3 HVI timbog sa buy-bust ops

TUMATAGINTING na ₱680,000 halaga ng pinaghihinalaang shabu ang nasamsam mula sa tatlong itinuturing na high value individuals (HVI) sa isinagawang buy-bust ng Cainta Municipal...

₱26.5-M halaga ng medical equipments ipinagkaloob sa Aklan ng PCSO

IBINIDA ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang dalawang patient transport vehicles (PTVs) at mga medical equipment na may kabuuang halaga na ₱26.5 milyon...

PAGASA: ‘Habagat’ magsisimula na

OPISYAL nang inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong Sabado ng umaga, ang pagsisimula ng Southwest Monsoon o Habagat sa...