3, isa pang HVI nasabat sa buy-bust sa Rizal

0
3, isa pang HVI nasabat sa buy-bust sa Rizal (Photo: Rizal PNP)

APAT katao, kasama ang isa pang itinuturing na high value individual (HVI) ang nasabat ng Rodriguez Municipal Police Station sa isinagawang buy-bust operations dakong 4:20 ng madaling araw, Mayo 20, 2025 sa Barangay San Rafael, Rodriguez, Rizal.

Sa ulat na natanggap ni PCol. Felipe Maraggun, Director ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), ang nasabing operasyon ay isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagresulta sa pagka-aresto ng mga suspek.

Kinilala ni Maraggun ang mga suspek na sina alyas Negro, 29, walang trabaho; alyas Rose, 28, walang trabaho; alyas Junior, 22, construction worker at parehong nakatira sa Brgy. Manggahan.

Kasama rin sa naaresto si alyas Enan, 46, construction worker at residente ng Brgy. Gitnang Bayan samantalang nakatakas naman at pinaghahanap ng mga awtoridad si alyas James, HVI, na residente ng Brgy. San Rafael at sangkot umano sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot.

Nakumpiska sa mga ito ang limang (5) piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets at isang (1) knot-tied plastic cellophane na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 116 gramo at tinatayang nasa P788,800 ang halaga batay sa standard drug price.

Narekober din ang buy-bust money na binubuo ng isang (1) piraso ng P1,000 bill at limang (5) piraso ng boodle money na may tig-iisang libong piso; isang (1) piraso ng P1,000 na galing sa aktwal na transaksyon at sang (1) itim na sling bag na pinagmulan ng nakuhang mga ebidensya.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Rodriguez MPS ang mga suspek para sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 Sections 5 at 11 o Comprehensive Dangerous Act of 2002.

About Author

Show comments

Exit mobile version