33.4 C
Manila
Saturday, February 22, 2025

Medical mission sa mahigit 1,000 residente ng Rizal inihatid ng PINOY AKO Partylist

NAGSAGAWA ng medical mission ang PINOY AKO Partylist kahapon, Enero 25 sa mahigit 1,000 residente ng Brgy. Quisao, Pilillia sa lalawigan ng Rizal.

Ayon kay Atty. Apollo Glenn Emas, maliban sa libreng serbisyo medical, namigay din sila ng tig-lilimang kilo ng bigas bawat pamilya, t-shirt, libreng pananghalian at libreng ice cream naman sa mga bata.

Upang matiyak at magiging maayos ang distribusyon, binigyan ang bawat isa ng stub na kailangang ipresenta sa bawat programang hatid ng PINOY AKO Partylist na isinagawa sa Ynares Multi-purpose covered court.

“Tulad ng lagi nating sinasabi, hindi lamang para sa mga katutubo ang PINOY AKO Partylist, kundi ganun din sa mga obrero o mga manggagawa,” ang pahayag ni Emas.

May 17,302 kabuuang populasyon ang Barangay Quisao, at karamihan sa mga nakatiro ay pangingisda ang pangunahing hanapbuhay.

BASAHIN  Manyak na Indian national nalambat sa Rizal

Ayon kay Barangay Secretary Sidney Vidanes, ito ang kauna-unahang pagkakataon ngayong taon na may party-list na bumisita sa kanilang lugar.

“Nagpapasalamat kami sa PINOY AKO PartyList dahil sa kanilang malasakit at pagbisita, at umaasa kaming magkakaroon pa ng karagdagang medical mission sa hinaharap upang mas marami pang residente ang makinabang,” ang pahayag ni Vidanes.

Ang PINOY AKO PartyList, na kilala rin bilang “Tunay na PartyList ng Katutubo at Obrero,“ ay nasa No. 99 sa opisyal na balota ng Commission on Elections (Comelec) para sa Mayo 12, 2025 pambansa at lokal na halalan.

BASAHIN  Mga estudyante, titser OK magsuot ng duck hair clips—DepEd

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA