33.4 C
Manila
Saturday, February 22, 2025

DSWD-NCR nakatanggap 15 colored printers mula sa PINOY AKO Partylist

TINANGGAP ng mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa National Capital Region (NCR) ang 15 colored printers bilang donasyon kahapon, Disyembre 17, 2024 na pinangunahan ni Atty. Gil Valera, ang 2nd nominee ng ng PINOY AKO Partylist.

Ayon kay Valera, umaasa silang malaki ang maitutulong ng kanilang mga donasyon upang lalo pang mapabilis ang serbisyo ng ahensya para sa mga katutubo at obrero na siyang pangunahing target na mapaglingkuran ng PINOY AKO Partylist.

Sa isang simpleng turnover ceremony na isinagawa sa nasabing tanggapan, sinabi ni Valera na mga indigenous peoples, mga construction workers at iba pang mga obrero ang makikinabang sa nasabing printers lalo na kapag maghahatid ng serbisyo ang ahensiya.

“Tinurn-over namin yun colored printers na branded pa. Nai-distribute ng DSWD-NCR sa Luzon, Visayas, Mindanao yong marginalized sector na pagsisilbihan ng ng PINOY AKO Partylist,” ayon pa kay Valera.

BASAHIN  OFWs: nakaligtas sa digmaan, hindi sa nakawan mga taga-NAIA, sagad ang kaimbutan?

Maliban sa mga printers, sinabi pa ni Valera na magbibigay pa sila ng karagdagang mga desktop computers para kumpletong set na ang mapapakinabangan ng mga katutubo at manggagawa.

“Balak din namin magbigay ng kaakibat na desktop computers. Magdo-donate kami ng mga desktop computers para may magamit para sa mga na nasa laylayan at mahihirap. Bibihira lang naman kasi sa mga Pilipino ang nagkakaroon ng mga desktop computers,” dagdag pa ni Valera.

Sinabi pa ng ikatlong nominado na layunin ng nasabing programa na matuto sa paggamit ng computer ang ilan nating mga kababayan, lalong lalo na yung mga nakatira sa mga malalayong lugar.

“Nakakatuwa meron na naman kami mga bagong project. Bukod sa mga medical mission at mga legal aid clinic na ginagawa namin sa buong sambayanan ay nadadagdagan pa namin ng computer literacy education,” ani Valera.

BASAHIN  Medical mission sa mahigit 1,000 residente ng Rizal inihatid ng PINOY AKO Partylist

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA