33.4 C
Manila
Friday, December 27, 2024

‘Agresibong police visibility’ ipapatupad ng bagong NCRPO chief

HINIMOK ni Police Brigadier General Anthony A. Aberin, ang bagong talaga na hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO), sa mga pulis sa Kalakhang Maynila na maging agresibo sa pagpapatupad ng propgrama ng PNP na ‘police visibility.’

Sinabi ito ng heneral sa kauna-unahan niyang pagdalo sa flag raising ceremony ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City kaninang umaga.

“Kailangan tayong makita at maramdaman ng publiko. Matatanto ng komunidad na ang pagiging alisto natin sa pangangailangan ng nila ay pangunahin sa atin nang sa gayon ay lalo pa silang magtiwala sa atin, ata alam nilang nariyan tayo kaagad sa panahon na kailangan nila tayo,” ang pahayag ni Aberin.

Pagkatapos ng flag raising, isinagawa naman ang pormal na pagsasalin ng kapangyarihan mula sa dating hepe ng NCRPO na si Police Major General Sidney Hernia tungo kay Aberin, sa Hinirang Hall ng NCRPO.

BASAHIN  Valenzuela LGU, naglunsad ng ‘People’s Day sa Barangay’ caravan

Si Hernia ay magiging hepe na ngayon ng Area Police Command (APC) ng Southern Luzon matapos ang maikling panunungkulan bilang hepe ng NCRPO.

Bago nito, si Aberin ay naging director ng Police Regional Office 7 o Eastern Visayas Region na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Cebu at Bohol lakip na ang tatlong highly urbanized cities, ang Cebu City, Lapu-Lapu City at Mandaue City.

Sinabi pa ni Aberin na nais niya na makilala ang mga tauhan ng NCRPO bilang mga “AAA” policemen, na ayon sa heneral ay dapat na maging aktibo, may kakayanan at pulis na kakampi ng mamamayan.

Pinaalalahanan din ni Aberin ang kaniyang mga tauhan na muling balikan ang pinakapangunahin sa kanilang tunguhin: ang pagsugpo sa krimen at resolbahin agad.

BASAHIN  298 RMFB na dinala sa BARMM, binigyang parangal

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA