ARESTADO ang tatlong suspek sa nangyaring nakawan sa dalawang convenience store sa Quezon City at agad na iprinisinta sa mga miyembro ng media sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Ayon kay NCRPO chief PMGen. Jose Melencio Nartatez, Jr., plano pa sana umanong looban ng tatlong suspek ang isa pang convenience store sa Barangay Roxas District nitong Huwebes nang makatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad 3:15 ng madaling araw sa gagawing krimen ng grupo.
Ang modus, ayon kay Nartatez ay magsusuot sila ng uniporme ng convenience store at magpapanggap bilang empleyado para hindi mapaghinalaan at tsetsempuhan na looban ito at saka bubuksan ang vault ng tindahan para kunin ang pera.
“Para pumasok siIa undetected and aII hindi na siIa ise-secured hindi na siIa che-checkin ng mga security guard doon. Kasi syempre magkukuha yan ng saIes. [Kung] tama ba yung cash amount, even yung barya, at the same time we beIieved that this item were stoIen from their victims at ginagamit na din,” sabi pa ni Nartatez.
Kinilala ang grupo bilang “Niepes Robbery Group” na nasa watchlist ng pulisya at malawakang nagsasagawa ng pagnanakaw hindi lang sa Metro Manila kundi pati sa Region 3, 4, at pati sa Cordillera.
Ayon naman kay PGen. Redrico Maranan, District Director ng Quezon City Police District (QCPD), naisilbi na umano ang warrant of arrest sa pinaka-Ieader ng Niepes robbery na inisyu ng BuIacan RTC at nasa target Iist na rin ang mga ito sa Region 3.
“[Kasama na ang mga ito sa] watch Iist ng inteIIigence ng Region 3 at yung daIawa niyang kasama ay formerIy invoIved sa mga budoI-budoI scheme and Iater na-organized siIa nitong si Niepes at nag-switch siIa dito sa robbery hoId-up sa conveniences store,” ang pahayag ni Maranan.
Narekober sa grupo ang sasakyan, pampasabog, uniporme, mga baril, kabra, pekeng plaka, construction tools at iba pang gamit. Itinanggi naman ng mga suspek na sangkot sila sa pagnanakaw.
Walong miyembro pa ng grupo ang patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad na una nang sangkot at naging bahagi sa serye ng mga nakawan sa iba pang lugar.
“As of now ‘yan ang ating tinitingnan. We are back tracking yung previous involvement nila and good thing na naaresto natin siIa sapagkat yung mga ganitong kaIaIaking robbery hoId-up group, ito rin ang magiging potentiaI facts natin,” dagdag pa ni Maranan.
Nasa kustodiya na ng Quezon City Police District ang mga suspek at sasampahan ng mga kasong robbery at paglabag sa Republic Act 10591 o illegal possession of firearms and ammunition.