33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Nartatez: ‘Di lahat ng PNP vehicles puwede sa EDSA bus lane

HINDI porke’t sasakyan ng Philippine National Police (PNP) ay pupuwede nang dumaan sa EDSA bus lane.

Ito ang inilabas na kautusan ng regional director ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na si PMGen Jose Melencio Nartatez Jr., sa mga tauhan nito, sa pamamagitan ni PBGen. Rolly Octavio, chief regional staff, sa ginanap na flag raising ceremony ngayong umaga sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

Ang nasabing kautusan ay ibinatay ni Nartatez sa inilabas na guidelines ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) base sa MMDA Resolution No. 20-002, na tanging ang mga on-duty ambulances, fire trucks at PNP vehicles ang awtorisadong  gumamit ng EDSA Carousel bus lane.

Ngunit tanging mga sasakyan ng PNP lamang na sangkot sa pagpapatupad ng batas tulad ng paghabol sa mga kriminal o hot pursuit operation ang pinapayagang dumaan sa bus carousel.

BASAHIN  Traffic enforcer na sinuhulan ng ₱2,400 iimbestigahan ng MMDA

Ayon pa sa NCRPO chief, pinapayagan din ang mga sasakyan ng pulis na dumaan sa EDSA bus lane kung ang mga ito ay reresponde sa emergency cases kabilang na ang rescue operations kapag may kalamidad, maging gawa man ng kalikasan o gawa ng tao.

Paalaala naman ni Nartatez sa mga high ranking officials na huwag nang subukan pang dumaan sa nasabing bus lane kung sila ay dadalo lamang sa mga conference, meeting o anumang okasyon saanman  sa Kalakhang Maynila kahit pa ito ay naka-iskedyul na.

Idinagdag pa ni Nartatez na ito ay dahil nais ng NCRPO na mapanatiling ligtas ang lahat ng mamamayan sa Metro Manila batay sa isinusulong na layunin ng Bagong Pilipinas ng kasalukuyang administrasyon.

BASAHIN  Tirador ng vape shop nalambat sa Malabon

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA