33.4 C
Manila
Friday, November 22, 2024

Gobernador ng Masbate, 11 iba pa, kinasuhan sa Ombudsman

NAHAHARAP ngayon sa kasong korapsyon ang gobernador ng Masbate na si Antonio Kho sa Opisina ng Ombudsman kaugnay sa umanoy maanomalyang mga proyekto na umabot sa ₱234.6 milyong halaga ng mga “ghost projects” nito.

Ayon sa complainant na si Ruben Fuentes, presidente ng Masbate QUAD Media Society Inc., kinasuhan niya si Kho ng kasong plunder, malversation of public funds at graft and corruption dahil sa umanoy pagkakaloob nito ng limang road projects ng lalawigan sa isang construction company sa kabila na ito’y na-diskawalipika na kumuha ng mga proyekto.

Maliban sa gobernador, 10 iba pang opisyal ng Masbate at si Edgardo Marabe, ang may-ari ng Marabe General Construction and Supply, ang sinampahan ng kaso sa Ombudsman for Luzon.

Sinabi pa ni Fuentes na magkakasabuwat sa pandaraya sina Kho at iba pang lokal na opisyal sa awarding ng milyun-milyong halaga ng road projects sa nasabing kontraktor na isang disqualified bidder.

“Ang maanomalyang paglalabas ng pera para ibayad sa mga ghost projects, pekeng bidding processes, at iba pang mga pandaraya ay hindi mangyayari kung hindi magkakasabuwat ang mga ito,” ayon kay Fuentes.

BASAHIN  Rutang Naga-Legazpi, balik-operasyon na

Sa nasabing reklamo, limang proyekto na bahagi ng pamahalaang panlalawigan na may kabuuang halaga na umabot sa ₱714,583,000 ay “kahina-hinalang” kinuha mula sa supplemental budget para sa taong 2022.

Idinagdag pa ng complainant na sa 48 road projects, 23 lamang ang nai-award sa mga nanalong bidders samantalang ang lima ay sabay-sabay na nai-award kay Marabe.

Kasama rito ang pagkukumpuni sa Jaboyoan-Pinaanan-Capsay-Balete road sa bayan ng Aroroy, na may pinakamalaking bahagi kung saan ang kontrata ay nagkakahalaga ng ₱67,908,000.

Sa nakuhang ‘notice to proceed’ ni Fuentes, sinabi nito na ang limang road projects at nagsimula noong Setyembre 9, 2022 at matatapos nang hindi kukulangin sa isang buwan, batay sa kasunduan sa kontrata.

Ngunit ang ikinagulat ng complainant ay na batay aniya sa nakuha niyang rekord, ang ilan sa mga nasabing proyekto ay 50 porsyento, kung hindi man 95 porsyentong tapos na, sa loob lamang ng limang araw.

Isa pa sa mga alegasyon ni Fuentes ay na nakatanggap na si Marabe ng 50 porsyento bilang bayad sa nasabing limang proyekto noong Setyembre 12, sa mismong araw na pinasimulan ang nasabing rehabilitasyon.

BASAHIN  Reklamo laban sa gobernador ng Masbate iniurong

Ayon pa kay Fuentes, may mga testigo aniya na ang ₱234.6 milyong halaga ng road projects ay pawing “hindi umiiral” o “ghosts.”

“The amount involved is “clearly anomalous, repugnant to conscience, and inherently incredible and is certainly more than the threshold of the plunder law,” ang pahayag ni Fuentes.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA