33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Kasunduan sa proyektong pabahay nilagdaan ng DHSUD, Pasig LGU

ISANG kasunduan ang nilagdaan sa pagitan nina Secretary Jerry Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Pasig City Mayor Vico Sotto may kinalaman sa proyektong pabahay sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program.

“Nasa Metro Manila ang karamihan sa mga informal settlers kaya bibigayang priyoridad natin ang programang pabahay na “in-city” oproyektong pabahay sa loob mismo ng isang partikular na lungsod,” ang pahayag ni Acuzar.

Hindi na lingid sa kaalaman ng marami na halos lahat ng lungsod sa Kalakhang Maynila ay may mga proyektong pabahay ngunit sa karatig na mga lalawigan katulad ng Rizal at Laguna.

Ang problemang nakikita ng mga lokal na pamahalaan ay na nagsisibalikan rin ang mga ito sa Metro Manila dahil sa kakulangan ng alinman sa serbisyong pailaw at patubig ngunit lalo na pagdating sa walang mapagkakakitaan o kawalan ng trabaho.

“Ang nilagdaan naming kasunduan ay may malaking positibong epekto sa mga kababayan natin na matagal nang nangangarap na magkaroon ng sariling tirahan sa pamamagitan ng programang 4PH,” dagdag pa ng kalihim.

BASAHIN  ‘Benta-Pal’ scam sa Pasig inihalintulad ni Mayor Vico sa ‘Ponzi scheme’

Ang nasabing kasunduan sa pagitan ng DHSUD at lokal na pamahalaan ng Pasig ay magbibigay ng daan sa mga in-city projects para sa mga pamilya ng informal settlers ganun din para sa mga low-income erners sa lungsod.

“Ang aking taos-pusong pasasalamat kay Mayor Vico Sotto para sa ganitong opurtunidad na makapagsilbi sa mamamayan ng Pasig at ang matuto na rin sa mga best practices ninyo,” ayon pa kay Acuzar.

Dagdag pa ng Kalihim: “talagang ‘umaagos ang pag-asa’ sa inyong lungsod dahil magiging bahagi na kayo ng Pambansang Pabahay at tinitiyak namin sa inyo na buo ang suporta ng ating pamahalaan hanggang sa makamit na ng mga Pasigueño ang matagal na nilang minimithing sariling bahay na ligtas, disente at abot-kaya.”

Sa bahagi naman ni Sotto, sinabi nito na mayroon na silang inisyal na plano para sa dalawang proyektong pabahay sa loob ng lungsod para sa mga maralitang tagalungsod.

BASAHIN  Mayor Vico handa na sa ‘The Big One;’ Pasig at Cagayan Valley magtutulungan

“Initially, may natukoy na kaming dalawang proyekto kung saan naroroon ang komunidad ng mga maralitang tagalungsod na nagnanais rin makasali sa proyektong pabahay,” ani Sotto.

Tiniyak pa ng alkalde na suportado niya ang flagship housing program ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang mabigyan ng solusyon ang kakulangan ng pabahay sa bansa.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA