33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Partylist groups na lalahok sa halalan sa 2025, babawasan

BABAWASAN ng Commission on Elections (Comelec) ang bilang ng mga partylist group na lalahok sa darating na 2025 midterm elections.

Ito ang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia sa panayam ng media upang matiyak aniya na tanging ang tunay na mga grupo na lamang na kumakatawan sa mga totoong marginalized o underrepresented ang makakalahok.

“Hopefully, we can reduce the number of party-list groups to just around 130, so that it will really be representative of the truly marginalized and underrepresented,” ani Garcia.

Batay sa rekord ng ahensya, nasa 177 partylist na grupo ang lumahok sa halalan noong 2022.

Sinabi pa ni Garcia na ipapatupad na nila ang mahigpit na panuntunan sa akreditasyon ng mga bagong partylist para mabasawan ang kabuuang bilang gayundin ang haba ng balota.

“We have already dismissed 130 (Petitions for Registration of party-lists) out of the more or less 200 applicants, kaya nasa 17 lamang na mga partylist organization ang nabigyan namin ng akreditasyon,” ayon pa kay Garcia.

BASAHIN  Pasahero sa Clark Int’l. Airport, lomobo ng 158%

Ang mga organisadong grupo lamang na rehistrado sa ahensya na nakapaghain na ng kanilang Manifestation of Intent to Participate ang puwedeng makilahok sa darating na halalan sa 2025.

Bukod dito, sinabi naman ni John Rex Laudiangco, ang tagapagsalita ng Comelec, na tatanggalin din nila sa listahan ang mga partylist na hindi nanalo sa nakaraang dalawang eleksyon gayundin ang hindi nakakuha ng 2% ng kabuuang boto.

Ang nasabing hakbang ay alinsunod aniya sa Republic Act 7941 o Part-list System Act.

“Maglalabas po ang Comelec ng resolusyon kung saan yon pong mga sumali at dalawang beses na hindi nanalo o hindi nakapag-paupo sa kongreso ay maaari pong matanggal na sa listahan,” sabi ni Laudiangco.

BASAHIN  BSK Elections: Botante sa 10 Taguig barangays, hindi makaboboto?

Matatandaan na noong 2021, umabot sa 39 na grupo ang tinanggalan nila ng rehistro dahil bigo ang mga ito na makakuha ng puwesto sa kongreso o walang partisipasyon sa nakaraang halalan.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA