33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Alok ni Chavit Singson: ‘No interest, no DP’ na e-jeepney

SERYOSO si former Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson sa inaalok nito na ‘no interest, no down payment’ scheme para sa mga jeepney drivers at operators kaugnay sa Public Utility Vehicle Modernization Plan (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon kay Singson, mag-aalok siya ng hanggang 100,000 unit ng e-jeep bawat taon sa oras na mabibigyan na siya ng pamahalaan ng accreditation.

Maliban sa mass production na gagawin, magtatayo rin ang kaniyang kumpanya ng mga solar charging stations at mga transport terminal.

“Matagal na itong modernization program ng gobyerno, sa panahon pa yata ni President GMA (Gloria Macapagal Arroyo) ito. At marami ng transport group ang lumapit sa akin na pasukin ito,” ang pahayag ni Singson sa ginanap na “The Agenda” media forum sa Club Filipino sa San Juan City kahapon.

Sinabi pa ng dating gobernador na magiging partner niya ang mga kaibigang Koreano at siyempre, gagamittin nila ang Korean technology ngunit ang disenyo ay kaparehong-kapareho pa rin ng tradisyonal na jeep ng Pinoy.

BASAHIN  Kathryn: Tila panaginip lamang ang best actress award sa SDA

“Kulang sa pondo ang mga drivers at operators kaya maraming sagabal at maingay ang isyung ito kung kaya naisipan kung pasukin na rin ito,” dagdag pa ni Singson.

Sa Mayo 17 darating ang prototype at sa Kaorea pa lamang ay sinimulan na nila ang testing ng mga gears, preno at iba pang bahagi ng jeep.

Matatandaan na marami ang umalma sa PUVMP ng pamahalaan partikular na mula sa hanay ng transportasyon dahil hindi pa handa anila ang pamahalaan sa pagpapatupad nito.

“Nakausap ko na ang FEJODAP, LTOP, VIV Express, Pasang Mason at iba pang transport group at tuwang-tuwa sila sa dahil nga walang cash out ang iniaalok ko sa kanila,” ayon pa sa dating alkalde.

Ang seating capacity ng e-jeepney ni Singson ay may 23 na nakaupo ngunit puwede pa aniyang dagdagan ng 5 ngunit naka-tayo na, kaya sa kabuuan ay 28 katao ang kasya.

BASAHIN  Ilang jeep sa Tanay, tuloy pasada sa kabila ng jeepney strike

Maximum 50 hanggang 80 kilometro bawat oras ang bilis at aabot sa apat na oras ang charging time na aabot sa 670 kilometro.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA