33.4 C
Manila
Saturday, November 23, 2024

Food products ng 3 Pinoy F&B companies, patok sa Gulfood 2024

PATOK na patok sa panlasa ng mga delegado mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang mga produkto ng tatlo sa 25 food and beverage (F&B) companies na kalahok sa ginanap na Gulfood 2024.

Ang nasabing 5-day food expo ay ginanap sa Dubai World Trade Center (DWTC) sa United Arab Emirates (UAE) noong Pebrero 19 hanggang 23, 2024.

Itinatampok sa nasabing food expo ang mga produktong pagkain mula sa mahigit 190 mga bansa upang ipatikim at ipakita sa mga dumalo ang latest tastes, trends at innovations sa mundo ng F&B.

Ang Pixcel Transglobal, Inc., SL Agritech Corp. at Lionheart Farms, Inc. ang tatlong top-selling companies sa nasabing food expo kung saan itinampok ang mga fruit preserves, cavendish bananas, fermented marine products, at amino sap beverages na mga produkto.

Top selling ang Pixcel Transglobal, Inc. na nakabenta ng US$61 milyon, pangalawa ang SL Agritech Corporation na may US$46 milyon at Lionheart Farms, Inc. ang pangatlo na nakapagbenta ng US$12 milyong halaga ng mga produkto.

BASAHIN  Cyber security experts, makipagtulungan sa gobyerno – Cayetano

Pinangunahan ni Edward Fereira, hepe ng export promotions ng Center for International Trade Expositions and Missions (CITEM) at Philippine Ambassador to the UAE, Hon. Ambassador Alfonso Ferdinand Ver ang pagbubukas ng Philippine Pavillion sa pamamagitan ng ribbon-cutting ceremony.

Ang nasabing seremonya ay kaagad na sinundan ng series of matchmaking services at business-to-business meetings sa pagitan ng Philippine exporters at foreign trade buyers.

“The annual food expo has become an entry point for businesses across the world to penetrate the Middle East and North Africa (MENA) Region,” ang pahayag ni Fereira.

Ang taunang pakikilahok ng ating bansa ay pinangungunahan ng CITEM, isang attached agency ng Department of Trade and Industry (DTI), sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry-Export Marketing Bureau (DTI-EMB), at Philippine Trade and Investment Center sa Dubai (PTIC-Dubai).

Sa kabuuan, umabot sa US$ 133 milyong benta sa export bilang resulta sa partisipasyon ng bansa sa Gulfood 2024, doble kung ikukumpara sa nakuhang benta noong 2023.

BASAHIN  6 na Bansa, nais sumama sa joint patrol sa WPS

Nakatakda namang idaos ng CITEM ang IFEX Philippines, ang pinakamalaking international trade show sa bansa para sa food and ingredients, sa darating na Mayo 10-12, 2024  sa World Trade Center Metro Manila, sa Pasay City.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA