33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Tuspirina outbreak sa QC idineklara

IDINEKLARA ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na isa ng outbreak sa lungsod ang pertussis o “whooping cough” at kilala sa Tagalog na “ubong may halak,” “ubong dalahit” o tuspirina.

Ito’y matapos maiulat na apat (4) na ang namatay sa nasabing sakit na karaniwan sa mga edad 22-araw hanggang 60-araw na bagong silang na mga sanggol, sa unang tatlong buwan pa lamang ng taong ito sa lungsod.

Agad na nagpatawag ng press conference ang alkalde at sinabing hindi niya nais na mag-panic ang mga residente kundi hinimok na maging maingat at tanggapin ang alok na programa ng pagbabakuna ng lokal na pamahalaan.

“Kinukulang ng pentavalent vaccine ang Department of Health (DOH) ngayon kaya vulnerable o madaling tablan ang mga bata. Nagca-canvass na ang ating procurement department,” ang pahayag ni Belmonte.

BASAHIN  Notoryus na carnapper sa Rizal, timbog

Sinabi naman ni Rolando Cruz, ang epidemiologist surveillance officer ng Quezon City, na sa 27 kaso ng tuspirina noong nakaraang taon, tatlo lang ang naiulat na namatay.

“Nakababahala ito ngayon dahil apat na agad ang namatay sa unang tatlong buwan pa lamang ng taon at dalawa sa mga sanggol na ito ay hindi nabakunahan,” dagdag pa ni Cruz.

“Nakakahawa ito kapag bumabahing ang isa o kaya’y umuubo. May bakuna ang sakit na ito kaya kinailangan nating magdeklara ng outbreak,” ayon pa kay Cruz.

Ayon pa kay Cruz, nakakabahala na ito dahil umpisa pa lamang ng taon at kakikitaan na ng pagtaas ng kaso na may average na 2 bawat lingo kung saan 61% ang lalaking sanggol edad 22 at 60 araw.

BASAHIN  Desludging caravan, inilarga ng Manila Water

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA