33.4 C
Manila
Monday, December 23, 2024

Suspek sa pagpatay sa binatang magaling sa bilyar, nasakote

NASAKOTE ng Malabon Police ang suspek sa pagpatay sa 25-anyos na magaling sa larong bilyar habang nakikipag-inuman sa kanyang mga ka-tropa sa Malabon City.

Arestado sina alyas “Raffy”, 43, residente ng Dumpsite, Sitio 6, Brgy. Catmon at alyas “Roque”, 31, nang pumapel at tinangkang pigilan ang mga pulis sa lehitimong operasyon.

Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSg Bengie Nalogoc at P/SSg Michael Oben, naganap ang insidente habang naglalaro ng bilyar ang nasawing si alyas ‘Kirk’ at 23-anyos na testigong si alyas “Jayson” noong Sabado ng gabi sa Pisaca Sitio 6, Brgy, Catmon.

Sa ulat ni  P/Lt. Melanio Medel Valera III, Commander ng Malabon Police Sub-Station 4, biglang sumulpot ang suspek na armado ng kalibre .45 baril at malapitang pinaputukan sa ulo ang biktima sa harap mismo ng kanyang kalarong testigo. 

BASAHIN  Valenzuela PESO humakot ng multiple awards sa DOLE

Naisugod pa ang biktima sa Ospital ng Malabon subalit, hindi na rin ito umabot ng buhay.

Sa pahayag ng live-in partner ng biktima kay SSg. Nalogoc, bago nangyari ang pagpatay ay nanalo pa umano sa larong bilyar ang kanyang kinakasama pero humirit ang kalaro ng isa pa subalit, tinanggihan na ng biktima.

Dahil sa impormasyong ibinigay sa pulisya ng testigo, walang humpay na nagsagawa ng hot pursuit operation ang pulisya hanggang matunton ang suspek habang nakikipag-inuman sa Dumpsite Sitio 6 noong Linggo ng gabi na nagresulta sa kanyang pagkakadakip.

Sinampahan ng kasong murder ang suspek at obstruction of justice naman kay ‘Roque’ sa Malabon City Prosecutor’s Office.

Isinasailalim pa sa ballistic examination ang isang basyo ng bala ng kalibre .45 pistola na nakuha sa crime scene.

BASAHIN   P81-K  shabu nasabat sa tulak ng Valenzuela 

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
78,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA