33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Kampanya ng paanyaya sa 2 espesyal na pagtitipon ng mga Saksi ni Jehova, umarangkada na

KUNG ang Marso 24, 2024 ay magiging karaniwang araw lamang para sa marami, hindi ito gayon para sa mga Saksi ni Jehova.

Milyon-milyon sa buong mundo ang magtitipon sa paglubog ng araw para alalahanin ang kamatayan ni Jesu-Kristo sa petsang nabanggit.

Bawat taon, itinuturing na pinakamahalagang araw para sa mga Saksi ni Jehova ang Memoryal ng kamatayan ng Panginoong Jesus na pinasinayaan noong Nisan 14 ng kalendaryong Judio na katumbas naman ngayon ng Marso 24.

Iniutos mismo ni Jesus na gawin ito noong sabihin niya sa Lucas 22:19, “Patuloy ninyong gawin ito bilang pag-alaala sa akin.”

Sa kasalukuyan, mahigit 8.6 milyon ang mga Saksi ni Jehova sa buong mundo, ngunit halos 20 milyon katao ang dumalo sa pagtitipon na ito noong nakarang taon.

“Sa buong mundo, maraming tao na hindi Saksi ni Jehova ang dumalo sa Memoryal. Umaasa kami na ang mga miyembro ng aming lokal na komunidad ay makikiisa rin sa amin sa pag-alaala sa kamatayan ni Jesu-Kristo para maipakita ang pasasalamat sa kaniyang ginawang sakripisyo,” ang sabi ni Melchor Basalo, ang tagagsalita ng mga Saksi ni Jehova.

“Bagaman ito ay seryosong okasyon, ito rin ay isang masayang pagtitipon,” dagdag pa ni Basalo.

BASAHIN  'Kaginhawahan at pag-asa' maaari nang basahin online sa “wikang kinalakhan” mo

Sa loob ng isang oras, itatampok sa isang pahayag ang kahalagahan ng naging kamatayan ni Jesus at ano ang ibig sabihin nito para sa buong sangkatauhan.

Sa Kalakhang Maynila, isang espesyal na kampanya ang inilunsad simula Marso 2024 para imbitahan ang lokal na mga residente na dumalo sa taunang obserbasyon ng Hapunan ng Panginoon gayundin ang espesyal na pahayag pangmadla na gaganapin isang Linggo bago ang Memoryal.

Ang titulo ng espesyal na pahayag ay “Ang Pagkabuhay-Muli–Tagumpay Laban sa Kamatayan!” at bibigkasin sa weekend ng Marso 16 at 17, 2024 sa lokal na mga Kingdom Hall, ang tawag sa house of worship ng mga Saksi.

“Inaabangan ng pamilya ko ang espesyal na pahayag at ang Mermoyal buong taon. Ang parehong pagititpon ay praktikal at nakapagtuturo, pero tumutulong din ito sa atin na huminto at pag-isipan ang lahat ng bagay na ipinagpapasalamat natin, mga bagay na itinuturing nating pagpapala mula sa Diyos,” ang may pananabik na sinabi nina Aaron at Jenny Cabauatan, mga Saksi ni Jehova.

Ang 30-minutong salig-Bibliyang pahayag pangmadla na ito ay magbibigay-pansin sa makakasulatang pag-asa ng pagkabuhay-muli sa hinaharap ng mga namatay nating mga kaibigan at mahal sa buhay.

BASAHIN  Ebanghelyo ni Mateo available na sa Filipino Sign Language

Walang isasagawang rituwal sa mga lugar ng pagdarausan, mga bagay na maaaring kakaiba o bago sa iyo.

Naitanong mo na rin ba kung bakit naiiba sa ibang relihiyon ang pagdiriwang ng mga Saksi ni Jehova sa Hapunan ng Panginoon? Pakisuyong pumunta sa jw.org, ang opisyal na website ng mga Saksi ni Jehova.

Para sa higit na impormasyon tungkol sa 2024 Memoryal at espesyal na pahayag at kung saan ka puwedeng pumunta, i-click lang ang jw.org.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA