33.4 C
Manila
Wednesday, January 22, 2025

Planong pagtakbo ni Trillanes bilang alkalde ng Caloocan, inilalatag na

INILALATAG na ni dating senador Sonny Trillanes ang kaniyang plataporma, makakaparehang bise-alkalde, kumpletong line up ng mga konsehal at mga kongresista sa plano nitong pagtakbo bilang alkalde ng Caloocan City.

“Sa ngayon, ang plano namin… ay to run for local position as mayor of Caloocan. Hindi pa formal yong announcement but the plan is leaning towards that,” ang pahayag ni Trillanes sa “The Agenda” media forum na ginanap sa Club Filipino sa San Juan City kaninang umaga.

Inaasahan na makakalaban nito ang kasalukuyang mayor ng lungsod na si Dale Gonzalo “Along” Malapitan, anak ng dating mayor at ngayo’y kongresista ng unang distrito na si Oscar “Oca” Malapitan.

“Alam naman natin [na mabigat ang kalaban] kaso nakita naman namin na [ako I was born and raised in Caloocan], sa 12 years na hawak nila ang Caloocan, talagang lumala ang situwasyon,” ayon pa sa dating senador.

Idinagdag pa ni Trillanes na dumami aniya ang mga mahihirap, ang sama ng serbisyo kaya naniniwala siya na may maiaalok siyang pagbabago sa mga mamamayan ng Caloocan.

“Grabe ang korapsyon sa Caloocan, talagang napabayaan. Sa Metro Manila, sa Caloocan ang may pinakamaraming mahihirap, at itong pamilya na namumuno dun ngayon, sila na ang namumuno for 12 years. Kumbaga they have enough time to do something about it but they did not,” dagdag pa ng dating senador.

BASAHIN  Kongreso, iimbestigahan mga reklamo vs. domestic airlines

Sinabi pa ni Trillanes na parami pa ng parami ang [mga mahihirap] at grabe pa rin ang pangungurakot lalo na’t ang Caloocan aniya ay halos pareho na sa dami ng populasyon ng Maynila at ikalawa sa Quezon City sa land area.

Hindi naman nababahala ang dating senador sa napapabalitang “bumabaha” na di-umano ng pera sa lunsod upang manatili sa puwesto ang pamilyang Malapitan.

“Naniniwala ako sa mga taga-Caloocan na hindi sila mabibili, hindi pera pera [lang ang labanan]. Ilang kasaysayan na, napalitan na [ang mga] Asistio, Malonzo, napalitan yong Echiveri despite the fact that they tried to extend their hold in power. Pero hindi. So naniniwala tayo may ganun (hindi nabibili) sa Caloocan,” dagdag pa ni Trillanes.

“I will offer myself to them, ipapakita ko yong mga plano ko sa Caloocan. At the end of the day nasa kanila yon kung bibigay sila sa panandaliang kaligayahan kapalit ng pangmatagalang kahirapan, so it’s up to them,” giit pa ng dating senador.

Ayon pa kay Trillanes, nagkausap na sila ni dating congressman Egay Erice at tinutulungan siya umano nito at na magkasama sila sa darating na halalan.

BASAHIN  Pasig LGU ginawaran ng ‘Seal of Good Local Governance’

“Hindi tayo necessarily optimistic, talagang gagawin natin ang ating makakaya para makumbinsi sila na kailangan magbago ng direksyon ang Caloocan. Yong [mga] Malapitan naman, ang sinasabi nila, ang source daw ng strength is yong pera. Tanong dito, saan ba galing yong pera nila. Hindi naman mga negosyante yan, mga pulitiko yan sila na magkakamag-anak. So san galing yong pera? Galign sa kaban ng Caloocan,” pahayag ng dating senador.

Tiniyak pa ni Trillanes na magkakaroon aniya ng pormal na pahayag ang kaniyang grupo matapos ang planong pakikipagpulong sa mga makaka-alyansa nila.

About Author

IBA PANG MGA BALITA

Stay Connected

830,000FansLike
50FollowersFollow
87,000SubscribersSubscribe

KARAGDAGANG MGA BALITA